Kaydami ng road concreting at repair sa islang kayganda at halos sa bayan ng Virac maraming pasemento kaya’t kadalasan maraming traffic sa kabila ng pandemic..hikhikhikhik!

Kodus sa mga patrabaho at sakaling matapos na ang mga ito, sure na aliwalas pwertes na ang poblacion sa mga susunod na araw.

Isa lang ang kapansin-pansin sa mga patrabaho, tila mga sub-contractors na naman ang yumayari. Halata ito sa pagiging amateur dahil hindi marunong maglagay ng sapat na road signs maging ng mga ilaw lalo  sa gabi  na siyang nagiging dahilan ng vehicular accidents. Pwede sila, sumali sa amateur singinig contest..hikhikhikhik!

Kung may patrabaho, siyempre may empleyo at siyempre may negosyo. Merong masagana at kumakitang kabuhayan..hikhikhikik! Magkano kaya ang kita ngayon ng mga pumipirma sa acceptance maging sa ilang opisyal na merong oversight seeing sa mga proyekto? Hikhikhikhik! Alam na, meron di umanong 10-40% diyan na tumatagingting, depende kung malapit ka sa batis o medyo merong distansya.hikhikhik! Di nga lang masyadong halata ngayon kasi, wala na akong nakikitang mabigat at lantarang ebidensya..hikhikhik!

Noon kasi, kitang kita ang kita kung sino ang namumorsiyento sa mga proyekto kasi merong nakalagay na mukha ng pulitiko at naka-smile pa, pero ang placard “Sorry for inconvenience” ..hikhikhikhik! Ngayon, tila nahiya na ang ilang politiko na mahilig magpa-epal. Sa konting patrabho, merong kaagad na tarpaulin na nakalagay kahit hindi kanya basta mula sa taas ang pondo..hikhikhikhik! Maikabit lang ang kanyang pangalan..hikhikhikhik! Eh do wow sa mga pulitikong nahiya ng ilagay ang kanilang pangalan at sana maging pamarisan kayo ng mga asungot..hikhikhikhik! Sila ang mga pasimpleng kumita pero hindi halata..hikhikhikhik!

***********

Meron di umanong nagpa-presscon na opisyal sa islang kayganda, pero merong pinapa-off the record na portion hinggil sa kanilang susuportahan na kandidato sa national. Sa Bise Presidente di umano, sure ball sila kung sino, pero kung sa pagkapangulo, kanya-kanya na umano sila..hikhikhikhik!

Dapat na ngang magkaroon ng reform sa Sistema ng mga partido ngayon dahil wala ng mga party disciplineh..hikhikhikhik! Eh sino naman kaya ang kanyang susuportahan sa pagkagobernador at kongredista sa island kayganda?

Kasali sa mga lumalabas na pangalan sa pagkagobernador ay ang isang babae at isang lalaki na nais subukang tumbahin ang incumbent. Hindi pa naman final pero, malakas ang tsansa na isang lalaki ang magiging katunggali ni Gov. Cua.

Posible umanong magkaroon ng dalawang grupo na maglalaban sa islang kayganda ngayong darating na halalan. Matutuloy kaya ang head on collision ng  SACUF vs SWAK? Hikhikhihik!

*****

Medyo Malabo pa talaga hanggang sa kasalukuyan kung sino ang magiging final na mga sasali sa pagka-panggulo ..este, pagkapangulo ng bansa..hikhikhik! Ang gulo pa kasi kung magdedeklara ka ngayon dahil sure na wawasakin ka ni Tatay Digs sakaling magpakita ka ng ilusyon na magiging bahagi ka ng pangguluhan ng bansa lalo kung papanig ka sa opposition..hikhikhikhik!

Kaya’t, the best umanong strategy, keep quit ka muna, silenciong laban,  then, surprise ka nalang in due time..hikhikhikhik!

Ayon sa ilang presidential wannabes, ayaw na nilang magkaroon ng ganitong administrasyon sa susunod na anim na taon..hikhikhikhik! Sinusuka kasi umano nila ang sikmura ni tatay Digs na tila daig pa ang mga tsismoso na inuungkat ang history ng dungis ng kanyang kritiko..hikhikhikhik! at merong phobia sa mga pumupuna sa kanya..hikhikhikhik! Kaya’t kapag nagkamali kang pagparinig sa palpak ni Tatay Digs, may kalalagyan ka..hikhikhikhik!

********

Patuloy umano ang reach-out ni Aling VP Leni sa mga potential presidentiables ng opposition para tapatan ang higanteng coalition ng administration. Ang tanong, mangyayari kaya ang ganitong hakbangin? Tila malabo pa sa alak na tuba ang sitwasyon sa ngayon sa panig ng mga oppositionist..hikhikhikhik!

Sa taas ng ego ng mga ambisyuso tila imposibleng magkaroon ng iisang kandidato  bilang opposition para buwagin ang tikas ng administration..hikhikhikhik!

Sa ngayon palang, pwede ng magdiwang ang mga galamay ni Tata Digs kasi solido ang kanilang suporta sa kanilang kandidato. Sa kabila ng dalawang sets ang ipinapalabas na kandidato, iisa naman ang tinig ng mga nasa alyansa na suportado nila ang mga ginawa ni Tatay Digs, kaya’t magbago man ang ihip ng hangin at pag-isahin ang Sara at Bong Go (SABONG), sure na magiging malakas ang administasyon na tila 300 kilometers per hour..hikhikhikhik!

Ang tanging pag-asa na lamang ng nasa opposition dahil tila lahat sila gustong maging panggulo eh, isang himala..hikhikhikhik! Kaya lang ang sabi ni Nora, Ate Guy, walang himala, tayo lamang ang pwedeng gumawa ng himala..hikhikhikhik!

Kung inaakala ng mga asungot na gustong pumalit kay Tatay Digs na mananalo sila kahit magsabay-sabay, baliw sila dahil kasi kahit saang sulok tingnan mo may kalalagyan sila sa inidoro..hikhikhikhik!

Ang tanging dapat gawin nila ay alisin ang kanilang mga ego at ambisyon kung gustong buwagin ang isinusuka nilang kalaban, kailangan nilang maging mapagpakumbaba at piliin ang may kakayahan at winable..hikhikhikhik!

KITA KITSS MGA KAPERYODIKO!

**********

Advertisement