Virac, Catanduanes – Pinag-aaralan ngayon ng PNP Virac ang posibleng apelasyon matapos mapawalang sala ang pangunahing akusado sa Donn Carlos Bagadiong murder case, isang guro ng Catanduanes National High School.
Sa panayam ng Bicol Peryodiko, sinabi ni Chief of Police Antonio Perez, bagamat ginagalang nila ang desisyon ng korte hinggil sa acquittal ng akusado, subalit pag -aaralan umano nila at ng prosecution team kung maghahain ng additional evidences para mapunan ang pagkukulang ng prosecution.
Sa 39 pahinang desisyon ni Judge Lelu Contreras ng RTC Branch 43, na may petsang Setyembre 14, 2021, pinawalang sala ng korte ang akusado na si Manuel Jose Omigan, 20 anyos ng San Isidro Village, Virac matapos hindi napatunayang nagkasala beyond reasonable doubt ng prosecution.
“ Wherefore, the failure of the prosecution to prove beyond reasonable doubt the guilt of the accused, this Court, hereby, AQUITS JOSE MANUEL OMIGAN y CONDE of the charge of Murder”, bahagi ng dispositive portion ng desisyon.
Sa pambungad ng decision ng korte, tinuran nito ang naging malaking factor ng DNA sa naging outcome ng kaso. “
“The DNA laboratory Report on the specimen extracted from the crime scene proved to be the factor that determined the outcome of this case”.
Sinabi ng korte na tumugma lamang sa akusado ang DNA ng specimen (dugo) na nakuha sa butcher’s knife at hindi sa biktima. “The DNA Laboratory Report conclusively proved that the specimen collected from the floor, table, lavatory faucet, butcher’s knife, and on the motorcycle, belonged to Manuel and none to Donn. What puzzles this Court is why the DNA obtained from the cotton swab collected from the butcher’s knife came from Manuel and not from the Donn when, based on the prosecution’s evidence, it was the weapon that caused the multiple injuries sustained by Donn. Moreover, the blood drippings on the floor prove that Manuel also sustained injuries, which clearly show that there were struggles between Donn and Manuel”, bahagi ng desisyon ng korte.
May komento naman ang korte kung bakit hindi naisama sa mga ebidensya ang nakuhang isa pang patalim sa labas ng bahay ng biktima.
“Sad to say that Pssg. Manlangit simply relied on his naked eye in determining whether or not to collect specimen, forgetting that he could have submitted the knife itself for possibility of extracting specimen using other methods, maybe applying chemicals or using a high intensity light, to detect traces of blood”.
Samantala, sa testimonya, nabanggit ni Omigan sa pagdinig ng kaso ang isang kaibigan na nagngangalang Ruel na sinasabing naiwan sa bahay ng biktima nang mangyari ang krimen.
Matapos umano ang commotion nila ng biktima Donn bumaba na sya para hugasan ang kamay dahil hindi tumitigil sa pagdurugo ang sugat. Doon na aniya umakyat si Ruel sa kwarto at narinig niyang sumigaw ng malakas ang biktima na siya namang pag-alis niya sa bahay.
Matatandaang, ilang araw matapos ang krimen noong Nobyembre 5, 2019 sinabi ng PNP na sumuko ang suspek matapos ituro ng dalawang witnesses na siyang ring nabigyan ng pabuyang 100,000 pesos mula sa provincial government ng Catanduanes sa pamamagitan ni Acting Governor Shirley Abundo.
Ang suspek noon ay kinilalang si Manuel Jose Omigan y Conde, 18-anyos, binata, construction worker, residente ng Barangay San Isidro Village, bayan ng Virac.
Ayon kay dating chief of Police Billy Timuat, sumuko ang suspek dakong 1:20 ng madaling kasama ang kanyang kapatid na si Maregold Conde at isang Aldwin Soneja. Sa una tumanggi umano ang suspek, subalit sa pagtatanong napaamin din ito sa krimen.
Sa panayam ng media, inihayag ng suspek na self-defense lamang ang kanyang ginawa.
Samantala, inulan naman sa social media ng negatibong reaksyon at pagkadismaya ang naging hatol ng korte. Maging ang prosecution ay sinabing matibay umano ang kanilang mga ebidensya laban sa akusado, subalit ginagalang umano nila ang naging hatol ng korte.
Nanawagan si Judge Contreras sa mga netizens na
basahin ang 38-page decision hinggil sa naturang kaso.
“DNA result is scientific compared to the testimony of the prosecution’s witnesses, which could be self-serving”, paglalahad ng huwes.
“ I always search for truth that I even recall witnesses for clarificatory questioning. In fact, there was no DNA result submitted by SOCO during the presentation of evidence so I required them to follow it up at Camp Crame”, dagdag pa ng huwes.
“According to the SOCO, there was no water at the lavatory, so the butcher’s knife could not have been washed by Omigan. There was no admission by Omigan when he was investigated at the police station that he killed the victim”, bahagi ng reaction ni Judge Contreras sa media.
Tinuran nito ang mga nagkomento na walang kaukulang impormasyon” So, the one who commented about these cases is either ILL-INFORMED, MIS-INFORMED or UN-INFORMED”, pagtatapos ng Huwes.
Samantala, ayon sa ilang legal luminaries, tila mahihirapan umano kung aapela ang prosecution laban sa akusado. Batay umano sa batas, papakinggan lamang umano ito ng mataas na hukuman kung nagkaroon ng mistrial, hindi nagkaroon ng due process sa naging pagdinig ng kaso o di kaya nagkaroon ng pang-aabuso sa kapangyarihan ang Huwes hinggil sa pagdinig ng kaso.
Nag-apela naman ang ina ng biktima sa mga nasa LGBT community na tulungan sila kung papano magkakaroon ng katarungan ang sinapit ng biktima.