Nakatakdang ipatupad ng Commission on Election (COMELEC) sa Bicol Region ang reshuffle ng mga election officers ngayong Oktubre 2021.
Ayon sa impormasyon, matapos ang isasagawang filing of candidacy sa Oktubre 1-8 ipapatupad ang movement ng umaabot sa labing tatlong (13) election officers, partikular ang mga provincial at city election officers.
Ayon kay Atty. Maico T. Julia Jr., Election Officer 4 ng Naga City kasama sa maaapektuhan ay ang mga pinuno ng comelec offices sa pitong (7) lungsod at anim (6) na capital towns sa rehiyon, habang hindi naman umano sakop ng balasahan ang mga municipal election officers.
Layunin ng balasahang ito ay upang maiwasan ang familiarization ng mga opisyal sa mga kakandidato at mapanatili ng commission ang efficiency, competence, integrity at magkaroon ng absolute impartiality sa pamamahala ng halalan sa 2022.
Si Atty. Julia ay nakatakdang madestino sa capital town Virac habang papalitan naman siya ni Atty. Francis Nieves, ang election officer mula sa Daet, Camarines Norte.
Ang Regional Director na si Atty. Maria Juana Valeza, ay inaasahang ililipat sa Region 4 (Calabarzon or Mimaropa), habang si Atty. Noli Pipo naman ang papalit sa kanya mula sa Region 1 (Ilocos).
Samantala, si Atty. Noriel Badiola na kasalulkuyang nasa Camarines sur ay ililipat sa lalawigan ng Masbate at pansamantalang papalitan ni Atty. Maria Aurea Bo-Bunao mula sa Albay.
Sa calendar of activities ng komisyon, sa Oktubre 1-8 ang filing period ng lahat na kandidato sa national at local post samantalang sa Oktubre 29 ang posting ng mga kandidato habang sa November 15 naman ang substitution.
Sa Jan. 9-June 8, 2022 magsisimula ang election period, kasabay nito ang implementasyon ng gun ban, use of security personnel maging ang transfer ng mga civil servants kasali na ang pagbabawal sa suspension ng mga elected officials.
Ang campaign period para sa national post na kinabibilangan ng presidente, vice president, senators, at ang party-list groups ay magsisimula sa Feb. 8-May 7, 2022 samantalang ang campaign ng mga local candidates ay magsisimula ngayong March 25-May 7, 2022.