Virac, Catanduanes – Ibinahagi ni President Patrick Alain Azanza ng Catanduanes State University (CatSU) ang comparison ng  budget allocation ng unibersidad  na nakapaloob sa General Appropriations Act sa taong 2022 at taong 2021.

Sa taong 2020, inialahad ni Azanza na  ang CatSu ay nabigyan ng budget  na nagkalahaga ng  679,524 milyong piso, subalit bumaba ito sa 576,555 milyon sa taong 2021, na halos mahigit 103,969 milyon ang bawas dahil  sa pagiging underspending ng pamunuan.

Sa kasalukuyang 2022 budget ay may kabuuan na budget na 3 milyong piso ang ipinagkaloob sa CatSu capital outlay,  kumpara sa inisyal na iminungkahi mula sa DBM na nagkakahalaga ng 534 milyong piso.

Patunay lamang umano na patuloy ang pagbaba ng CatSu’s annual budget para sa nagdaang dalawang taon. Nangangahulugan lamang umano na sa unang pagbaba ng budget sa taong 2021 ay muling nabawasan ito ng 42,555 milyong piso.

Samantala, paglilinaw ng DBM Officer-in-charge Tina Rose Marie L. Canda sa isang liham, inilahad nito ang mga dahilan kung bakit 3 milyon lamang ang naibigay na capital outlay ngayong taon 2022.

Una, tanging 3 milyon Coconut Nursery Project lamang ang naka hanay sa Budget Priorities Framework (BPB). Sumunod naman ang kawalan ng proposal ng CatSU na nakahanay mula sa updated Philippine Development Plan na maaari sanang makonsidera. Isa pa rito ang kawalan ng proposed projects na dapat ay nakapaloob sa kasalukuyang taon ng 2022 – 2024 o ang tinatawag na Three-Year Rolling Infrastructure Plan (TRIP).

Ayon pa sa DBM OIC umasa ito na nakapagsumite ang CatSU ng aplikasyon noong Disyembre 2020 dahil bukas umano ang kaniyang tanggapan simula June 25, 2021, at sa buwan ding iyon ang proyektong (TRIP) ay pinu proseso sa pamamagitang ng online encoding system ng NEDA, na sa kalaunan ay tanging P3M Coconut Nursery Project lamang ang naindorso ng DBM para sa CatSu capitay outlay.

Dahil dito, hindi  nagpabaya si CatSu president Azansa kung kaya’t hindi nya hinayaan na mangyari muling mabawasan ang nakalaan na pondo sa unibersidad.

Masayang ibinalita nito na sa tulong ng kanyang mga kaibigan kongreso, ang budget ngayon ay nasa P595.168 milyong piso na inaprubahan sa ilalim General Approriations Act (GAA) 2022 kasama na ang P35M infrastructure project mula kay Senador Win Gatchalian.

Dagdag pa ng Presidente sa patuloy na nararanasang pagbaba ng annual budget ng CatSu at sa pagtanggi sa mga rekomendasyon ang mainam umano ay ang  kababaang loob sa pagtanggap sa karagdagan ng pondo na may kabuuang halaga P18,613M sa kasalukuyang taon.

Mas mabuti na raw umano ito kumpara sa pagbabawas ng budget. Masasabi niya umanong sinagip ang paaralan ng mga kaibigan niya sa legislative department na may ginintuang puso.

Dahil dito, pinasalamatan sa kanyang Facebook post ang mga tumulong na nagsilbi umanong CatSU’s guardian Angels.

“Sa darating na taon 2023 ang pinakaunang budget na ganap nang napag planuhan sa aking termino. Meron umanong  kabuuang P818 milyong piso  panukala o  mas mataas ng 222.832 milyon kumpata ngayong taong 2022. (Robert Alaurin Tavera)

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.