Bato, Catanduanes – Kinilala ng National Police Commission o NAPOLCOM ang himpilan ng Bato Municipal Police Station sa Catanduanes bilang “Most Compliant Municipal Police Station” sa buong lalawigan sa taunang NAPOLCOM Annual Inspection.

Batay sa ulat, nakamit ng Bato MPS ang 92.71% na grado na siyang pinakamataas na gradong naitala simula nang ilunsad at isagawa ang taunang inspection ng nasabing ahensya sa mga istasyon ng pulis sa Catanduanes.

Kaugnay nito, nagpahayag ng labis na pagkatuwa at pasasalamat ang dating OIC ng Bato MPS na si PMaj. Emsol Icawat sa parangal at pagkilala na natanggap ng kanilang himpilan.

Pinasalamatan din nito si dating Provincial Director Brian Castillo at maging ang Sangguniang Bayan ng Bato dahil anya sa patuloy na pagsuporta ng mga ito sa kanilang hanay. (BNFM BICOL)

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.