Virac, Catanduanes – Masayang ibinalita ng local na pamahalaan ng Virac na Automated na ang proseso  sa pagkuha ng business license sa bayan ng Virac  simula ngayong 2022.

Ayon kay Licensing Officer Rey Alberto, binago na umano nila ang pagproseso sa pagkuha ng business license bilang pagsunod sa panahon ng computerization at dahil na rin sa health precautionary measure dala ng pandemya.

Sa programang Arangkada Virac Program ng LGU Virac,  inilahad ni Alberto na bago na ang sistema sa  pagkuha ng permit kung kaya’t magiging mabilis na ito. 

Dahil dito, sinabi ng opisyal na kailangan na lamang antayin ang aplikasyon sa pamamagitan ng text message batay sa ibinigay na numero ng aplikante. Matapos ang pagsumite ng aplikasyon, eendorso na umano ito sa Engineering, Bureau of Fire, Health Clearance at iba pa. Matapos ang routing slip gagawa na ang Municipal Treasurer’s Office ng Order of payment  para pagbayad ng kliyente.

Ang advantage umano ng ganitong sistema dahil nasusunod na ng LGU Virac ang mandated process batay sa governmental policy.  Meron naman umanong disadvantage dahil may encoding at scanning ng mga dokumento kung kaya’t tedious din ang proseso na siyang ipapasok sa system.

Batay sa bagong reglamanto,  mas mauna munang aasikasuhin ng kliyente ang renewal of business at kung ilan ang kanilang negosyo na ipaparehistro. Dapat umanong  kompletuhin ang entries ng application form para hindi na maantala ang proseso nito at  para hindi na ibalik sa aplikante ang dokumento.

Kailangan specific din ang aplikasyon at ang paglagay ng tamang pangalan o discription ng negosyo, halimbawa kung ito ay bakery, grocery, sari sari store, welding shop, broadcast, at iba pang klase ng negosyo upang akma sa rate ang babayaran ng kliyente.

Samantala, inanunsyo  ng opisyal na nagdesisyon ang LGU Virac sa pangunguna ni Mayor Posoy Sarmiento na ppalawigin ang pagkuha ng business permit dahil bago ang sistema. Sa halip na enero 20 ang deadline pinalawig umano ito hanggang Marso 2022 na ikinatuwa naman ng mga negosyante. (Sam Panti).

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.