Para hindi tuluyang matanggalan ang sanitary permit o iba pang sanction ang  Excel Care Diagnostic & Wellness Center binigyang ito ng tatlumpong (30) araw na palugit para isumite ang sanitary compliance sa Rural Health Unit (RHU).

Ayon kay Sanitary officer Engr. Tim Samar, may ibinigay silang listahan ng mga rekomendasyon at sakaling hindi ito matugunan sa itinakdang petsa hindi ito mabibigyan ng sanitary permit.

Batay sa regulasyon ng lokal na pamahalaan, sakaling hindi mabigyan ng sanitary permit, posibleng hindi ito makakapag-operate dahil pre-requisite sa issuance ng business license ang compliance sa sanitary permit ng isang laboratory clinic.

Matatandaang nalagay sa kontrobersiya ang naturang laboratoryo matapos matagpuan sa baybayin ng Barangay Concepcion noong Enero 25 ang mga medical wastes na ginamit sa kanilang mga pasyente kagaya ng heringgilya, laboratory kits at iba pa.

Sa special session ng Sangguniang Bayan ng Concepcion noong Enero 26 inamin ng management ng laboratory na mula sa kanila ang medical wastes at nagkamali lamang umano ang basurero ng Barangay San Roque sa pagkuha nito. Inako naman ni manihamiento sa pamamagitan ng chairman nito na si Dr. Manny Guerrero ang responsabilidad sa naturang pangyayari.

Sa naging pandinig ng Environmental Management Bureau ng DENR noong Enero 27,  na pinamunuan ni Regional Director Maria Socorro A. Abu inako ng management ang responsibilidad at ang magiging resulta ng imbestigasyon ng kagawaran kaakibat ang kaso maging mga penalidad.

Maliban sa pagkakasuspendi ng operasyon, posibleng maharap ito sa environmental cases kagaya ng paglabag sa Republic Act 6969  o ang Toxic substances ang hazardous nuclear waste control, Republic Act 9275 o mas kilala sa tawag na Philippine Clean Air Act of 2004 at ang Philippine Ecological Solid Waste Management Act of 2000 (R A. 9003).

Samantala, nagpahayag naman ng pagkadismaya ang konseho ng barangay sa pangunguna ni Punong Barangay Anthony Arcilla nang malaman na positibo sa covid-19 ang operations officer ng laborary na si Mrs. Josefina Reyes na  dumalo sa session. Dahil dito, nasa quarantine ang buong konseho ng barangay.

Sa pinakahuling impormasyon, ikinalungkot naman ng konseho lalo na nag mga kaanak ang pagpositibo sa antigen ng walo (8) mula sa 21  mga kabataan na isinailalim sa covid-19 test noong Enero 28 matapos mapag-alamang naglaro ang mga ito sa mga medical wastes na itinapon sa naturang barangay. (BP newsteam)

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.