Merong pasabi ang DSWD sa mga LGU na request ng request ng mga goods pero matagal dinidispatsa, kung hindi man lang umano immediate ang pangangailangan wag ng magrequest. Madalas daw kasi ang minsan na inaamag na naibibigay sa mga residente dahil sa tagal na pagkaka stock..hikhikhikhikhik!
Ang masaklap, sila pa umano ang masisisi at sila ang makikita at sila pa ang may kasalanan kasi ang nakaprintera ay ang kanilang box na merong DSWD..hikhikhihik!
Hindi rin daw makain sa almusal maging bago pumasok sa eskwela kasi naka zoom ang iba dahil online at modular. Pero, advise natin sa mga nabibigyan, huwag niyo ng ipost sa sociam media, mas magandang tawagin niyo nalang ang atensyon ng LGU para mapalitan..hikhikhihikhik! Ang akala kasi nila gold nin tallano ang laman, kaya’t ok lang na matagalan..hikhikhikhik!
Ang problema ngayon, hindi narin siguro pwedeng makakipagmeeting via zoom ang DSWD ngayon para sitahin ang mga LGUs na mahilig mag-stock ng goods kasi meron na ring Zoomicron virus..hikhikhikhikhik! Baka makahawa..hikhikhikhik!
***************
Kelan kaya tayo pakakalmahin ni covid-19? Tila, namimihasa na yata ang pamemerwisyo sa Pinas at tila wala ng katapusan ang variants. Matindi ang manufacturing companies na gumagawa ng naturang negosyo.
Habang tayo’y nahihihirapan at natatakot mas lalong dumarami ang variants..hikhikhikhik! Ano kaya kung huwag nalang mag-contact tracing at magtesting para mawala ang takot natin.
Natatakot tayo merong figure na inilalabas, pero noong Disyembre, konti ang figure kaya;t walang nagkakasakit, pero pagdating ng Enero marami na ang na ang nagpositibo? Totoo bai to o isang prank laang? Hikhikhikhikhik!
Tila maniniwala na ako na merong director sa virus na ito. Ito ang mga lumabas sa mga pelikula sa nakalipas na mga taon at nangyayari talaga ngayon?
Kaya nga, ayaw magpabakuna ng iba kasi tila merong nag-eeksperiemiento umano sa virus na ito at sinasabing ilang taon pa, para na tayong mga robot na ipo-programa nalang ng mga may hawak ng bakuna? Hikhikhikihik!
Sana nga, hindi yon totoo..hikhikhikhik! Kung totoo man, eh tila lahat tayong mga nagpabakuna ay nadenggoy ng mga ulopong..hikhikhikhikhik!
Sa mga nagpabakuna, huwag kayong matakot lalo sa mga sinovac, eh kung galing China eh di wow, peke naman umano yon..hikhikhikhik! Eh walang bisa at hindi kayo magiging zoomboy o zoomgirl..hikhikhikhik! Ang merong problema yong mga naka jackpot ng Pfizer at moderna kasi totoong bakuna yon..hikhikhikhik!
Ang mga nabakunahan ng mga iyon ay magiging danzers..hikhikhikhik! Kaya pala marami ang mga tiktokers ngayon kasi nabakunahan..hikhikhikhik!
Pero
Seriously speaking mga kaperyodiko, proteksyon ang bakuna para hindi tayo magkasakit ng malubha kumpara sa mga walang bakuna. Batay sa datus, marami sa mga nairehistrong namatay ay yaong mga hindi bakunado.
Kaya kung natatakot kayo sa bakuna, mas matakot kayo kung mamamatay kayo dahil wala kayong proteksyon. Maliban kung talagang masaya kayo at talagang hinihintay niyo nalang talaga si kamatayan dahil hindi na kayo mahihirapan at posibleng naka-smile pa kayo sa kabaong…hhikhikhikhikik!
Saan kayo, sa mamatay ng maaga dahil walang bakuna o sa nabakunahan na magiging zoomboy at zoomgirls in due time..hikhikhihihik!
*************
Dapat oplan pakilala na pala ngayon ang mga pulitiko habang hindi pa mahigpit ang camelec dahil hindi pa campaign period. Itodo niyo na ang pakilala dahil hindi pa kasali sa mga kokompyutin ang gastos nyo dahil hindi pa ito sakop ng campaign period..hikhikhikhik!
Kaya pala sige pamigay ng pera ni Kuya Money Pacman kamakailan..hikhikhihihik! Marami na ring nahumaling na mga pulitiko kay Kuya Paquing dahil sa mola hikhikhikhik! Ang hindi alam ni kuya Paquing, hindi naman kayang bigyan ng tig-iisang libo ang lahat na pinoy na nahuhumaling ng kanyang maning..hikhihihik! Mauntog sana si Kuya Paquing, dahil kung hindi, kawawang nilalang at mamamalayan niya wala ng siyang mola.
Anyway, pwede naman siya bumalik sa pagboksing at magpabogbog at muling magkapera. Sana hindi niya maranasan ang dinanas ng pinakasikat na boksingero na si Idol na Ali..hikhikhikhik! Eh papano na ang igagastos niya sa pagpapagamot sakaling mangyari ang kaparehong sitwasyon? Hikhikhikhik! God forbid mga kaperyodiko!
Sa kabilang banda, good choice din si Kuya Paquing kung talagang wala ka ng pagpipilian. Pero kung marami pa naman, tiyagaan niyo muna yong iba. Hikhikhihik!
KITA KITZZ MGA KAPERYODIKO!
************