Merong resibo. Ito ang bukambibig sa mga kampanya ng grupo ni Vice President at Presidential candidate Leni Robredo at Vice Presidential candidate Kiko Pangilinan.

Batay sa ating radar via satellite, makikita maging sa drone ang successful sorties at grand rallies sa mga key cities sa kabisayaan na talagang namumulaklak ng pinkish..hikhikhihikhik! Enjoy to the max ang kampanya at laging jampacked na tila hindi mahulugang karayom ang mga venues.

Tunay ngang merong malaking kompetisyon ang nagaganap patalbugan sa pagitan ng team unity at team unipink..hikhihihik!

Ang tanong nga lamang, hanggang kalian tatagal ang mga facilitators para mas lalo pang paigtingin ang kampanya ng nangungunang dalawang hari ng kampanya? Hikhihikhik!

In fairness, hindi rin pahuhuli ang grupo ni Mayor Isko Moreno at Dr. Willy Ong, maging si Manny Pacman at tandem Ping Lacson at Tito Sotto sa mga sorties. Kaya nga lamang, wala silang drone..hikhihihik!

Ang unique lang talaga sa kampanya ay ang unipink at unitik na  merong packaging at organized ang kanilang kampanya at naoobliga ang mga attendees na mag enjoy habang nakikinig ng kampanya.

Pero, ang assessment sa lahat na teams, hindi pahuhuli ang kampanya ng ating Bicolana pride! Talagang merong emotional quotients at hitik sa pag-asa ang mga tagasuporta ..hikhihihihik!

Pero, para hindi kayo pagkwentuhan, kayo mismo ang manood sa facebook ng kanilang mga live campaigns para from the horses mouth and for your eyes personal determination..hikhikhihik!

*********

Gaano katotoo ang impormasyon na tila nagsaulian ng nang kandila ang dalawang malalaking personalidad sa islang kayganda. Posibleng makikita sa mga susunod na kampanya sa local level ang kulay ng bawat isa..hikhikhihik!

Ayon sa ating bubuwit, ang isa national ang tinatakbuhan pero kailangan sana ng support ng local, subalit tila iba ang kursunada ng isang opisyal kaya’t tila nagkakalabuan..hikhihihik!. Hindi umano tumupad sa usapan na siya ang isa kaya’t tampo to the max at posibleng magdeklara ng suporta sa kabilang bakod ang palabang lagging nasa party,,hikhihihik! Abangan kung sino sila!

**********

Totoo ba na ang hamunan umano ng ilang supporters ng dalawang kandidato sa islang kayganda ay kung magkano ang kakayanin ng kani-kanilang mga bossing sa last hour ng halalan?

Ayon sa ating bubuwit, ang kanya umanong bossing ay pwedeng mamigay ng isang libo hanggang dalawang libo samantalang ang isa naman ay kayang mamigay ng isang libo hanggang tatlong libo? Hikhihihik!

Babaha kung ganun ng maning-manang sa islang kayganda kung matutuloy ang patutuos ng money contest? Hikhikhihikhik! Sino kaya ang merong tallano gold sa dalawa? Baka naman parehong tagapagmana ang mga ito ng golden buddha kaya’t ganun na lamang kalalim ang kanilang bulsa? Hikhihihik!

Apat kasi silang naglalaban sa pwesto at ang dalawa umano sa apat ay hindi umano magbibigay ng pera, kaya’t ang sabi ng ating bubuwit, ang labanan ay doon na lamang sa dalawang malawak ang taniman ng maning-manang..hikhihihik!

Ang tanong, hanggang saan ang lalim ng bulsa nila? Hikhihkihihik!

************

Buo na umano ang loob ng kandidato sa pagkabise president na  si  Sara D na hindi lalahok sa debate na ipapatawag ng Comelec debate..hikhihihik! Ano kaya ang tinatakot ng anak ng president sa debate? Di ba abogado naman siya at nasanay sa recitation at debate sa klase? Hikhihihik! Marami pa naman ang nag-aabang kung anong klase siya sa mga debate?

O baka naman umiiwas lamang siya kasi baka maputakti ng tanong hinggil sa kanyang mga kontrobersiya? O baka naman umiiwas lamang kasi baka makasampal lamang siya ng kapwa kandidato sakalinig merong mag-asta makisig sa debate? Hikhikhihik!

Ibang klase rin, eh kamakailan nagpalabas siya ng Executive Order na bawal umano sa kanyang lugar ang mag motorcade at caravan..hikhihihik! Pero, siya libreng mag caravan at motorcade sa ibang lugar? Hikhihihik! Something fishy..hikhihihhik!

Teka Comelec, tila, kayo ang puntarya ng alkalde? Hikhiikhihihk! Sinusubukan siguro kung hanggang saan ang venom ng Comelec laban sa kanya..hikhihihik! Ang saction lang naman kasi ng Comelec sa mga hindi mag-aatend ng debate ay hindi bibigyan ng free airtime sa kanilang e-campaign rally sa kanilang website..hikhihihikhik! Yan lang? Wala nga namang ngipin..hikhihkihik!

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.