Habang pakonti ng pakonti ang oras para sa kampanya ng ating national candidates, pabukas  na rin ang pag-arangkada ng 45-days campaign sa local level.

Ngayong Marso 25 magsisimula na ang entablado para sa ating mga local officials para sa kanilang opisyal na panunuyo. Yong mga nauna kasi nilang abansada sa mga entablado, patikim pa lamang na panunuyo..hikhikhikhik! Praktis ika nga..hikhikhihik! Pero sa totoo lang, matagal na silang nanunuyo, hindi nga lang opisyal, kundi un-official campaign..hikhhihihik!

Panukala ko, kapag nanalong muli ang TGP at Ako Bicol Partylists dapat maging agenda ang pantay-pantay na kampanya.

Sa kasalukuyan kasi, kinokonsinti lamang ng Comelec ang early campaigning dahill wala namang batas na nagbabawal dahil kandidato lamang umano ang mg ito sakaling mag-umpisa na ang kampanya..hikhikhikhik! Para tayong ginagawang bobo ng ating mga ahensya ng pamahalaan..hikhikhikhik!

Ang totoo lang, lugi ang mga walang masyadong reserve funds at lalong advantage sa mga nakaupo using government funds.

Remedyo nalang ang kailangan muna this time na wala pang batas rito. With the advent of social media, gimik lang talaga ang kailangan, para abutin ang kasulok-sulukan ng happy island? Hikhikhikhik!

************

Pinatunayan nga ng dalawang pinagpalang mga anak ng dating presidente at kasalukuyang presidente ang pang-iisnab sa pinatawag na Comelec debates sa pagkapangulo at pangalawang pangulo.

Tila ramdam na kasi ng dalawa na sila ang magiging pulutan sa debate, kaya’t gumawa na ng sariling policy ang dalawa para hayaang magtahulan ang kanilang mga kalaban at sila ay libre sa debate? Hikhikhikhik!

Ang penalty lamang ng Comelec ay hindi sila pwede mag-esena sa kanilang E-rally, o electronic rally, gamit ang social media ng pangangampanya..hikhikhihik! Tila nga, sa batang maliit ang penalty ng Comelec at walang ngipin para pwersahin ang mga itong dumalo sa ganitong debate.hikhikhikhik!

***********

Tila nga, pang Guinness book of world record ang ginawang pang-iisnab na ito ng dalawang masusuwerteng kandidato sa balat ng lupa..hikhikhikkhik! Ito ang pinaka worst na nangyaring pang-iinsulto sa Comelec ng mga spoiled brats na mga anak ng mga poderosong tao sa balat ng lupa..hikhikhihik! Ang tanong, may parusa bang ibibigay ang Comelec sa pambabastos at hindi pagsunod sa kanilang mga alituntunin kahit walang batas na nakakasakop rito? Hikhikhik! It only in the Pilipins..hikhikhikhik!

Magkaganun paman, inoobserbahan natin ang galawang Comelec dahil halos lahat na mga commissioners ay tila galing sa iisang lugar lamang..hikhikhihik! Tila nga, wala ng ibang matalino at matitino sa mundong ibabaw, except ang mga mga taga Davao at taga Mindanao..hikhikhikhik!

Kung ganito pala ang mga kandidatong ito, tila nakikita ko ang simbangis ng ganitong lider kapag sila ang palarin at paburan ng Smartmatic…hikhihikhik!  Hindi pwedeng itago ang katotohanang may sariling mundo ang mga ito ay ayaw pasakop lalo na kung sino na ang mga nasa pwesto..hikhikhikhik! Himala at divine intervention na lamang ang tanging makakasalba sa napipintong pagsanib pwersa ng mga Magna..hikhihkihik!

**************

Tila wala pang test case sa kasaysayan ng Comelec na naparusahan ang mga sangkot sa vote buying. Kung meron man kinasuhan lamang pero hindi naparusahan..hikhikhikik! Meron kayang mangyayari ngayong halalan? Hikhihiik! Baka nemen magsampol ang Comelec sa sure na vote buying ngayong halalan..hikhikhikhik!

Meron nan gang sampol sa nangyaring campaign sorties ng isang nagkakaisang Magna, pero, tila wa epek ito kung mismong ang Comelec walang magiging aksyon ukol ditto..hikhihihik! Kawawang buhay Pinoy..hikhikhihik!

**************

Merong nangangamoy na mabaho kamakailan sa isang bodega sa islang kayganda..hikhikhihik! Hindi masikmura ng ilang tagamasid ang kahindik-hindik na pangyayari sa isang ahensya ng pamahalaan, dahil sa halip na ipamigay ang mga delata, bigas at maraming mga assorted goods na binigay ng mga generous individual at institutions mula sa pribado at pampamahalaang tanggapan, pero, tila nanghinayang at sa halip na ipamigay sa mga walang makain, tila mas masaya pang nabulok ang mga relief goods kaysa ipamigay sa mga mahihirap? Hikhihikhihik!

Ayon sa ating bubuwit, ganap ng na-dismantle noong nakaraang linggo ang bodega at makikita mo ang amag at tila sementeryong amoy dahil sa dami ng mga nabubulok at bulok na bulok na mga goods na dapat sana papra sa mga nasalanta ng mga bagyo pero nanghinayang at inistock- ng inistock..hikhikhikhik!

Ang tanggapan ito ay siyang namamahala sa kawang-gawa pero ang nakapagtataka kung bakit, gayon na lamang ang kanyang pagpapabaya sa biyaya na binigay sana sa islang kayganda subalit pinabulok lamang. Hihihikhik! Abangan kung anong ahensya ng pamahalaan ito mga kaperyodiko!

KITA KITSS MGA KA-PERYODIKO

************

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.