Virac,  Catanduanes – All set na ang isasagawang “Provincial Candidates Forum” sa darating na Abril 29, 2022 sa Plaza Rizal, simula alas 5:30 ng hapon hanggang alas 10:30 ng gabi.

Sa panayam ng Radyo Peryodiko, sinabi ni Rev. Fr. Renato Dela rosa na pinal na ang venue at oras, kung saan bibigyan ng kanya-kanyang oras ang mga kandidato para maghayag ng kanilang plataporma.

Magkakaroon din ng tsansa na makapagtanong ang audience sa pamamagitan ng panelists na kinakatawan ng iba’t ibang sector.

Kabilang sa mga dadalo sa naturang forum ay ang apat (4) na kumakandidatong kongresista, tatlo sa pagka-gobernador, tatlo sa pagka-bise gobernador at umaabot naman sa dalawamput isa (21) ang mga kandidato bilang provincial board members mula sa east at west district.

Para mas malawak ang access ng mga botante, maririnig din ito sa Radyo Peryodiko 87.9FM at mapapanood sa bicolperyodikotv page maging sa www.bicolperyodiko.com.

Advertisement