Virac, Catanduanes -Sa isinagawang Candidates Forum sa Catanduanes State University (CatSU) Auditorium noong Abril 19, 2022 inilatag nito ang mga laudable programs at projects sa nakalipas na termino maging ang mga plataporma sakaling muling mahalal sa ikatlong pagkakataon.

Pinagmalaki ni incumbent Gobernador Joseph C. Cua ang pagbaba ng poverty incidence sa lalawigan ng Catanduanes. Nangangahulugan umano ito na natutugunan ng lalawigan ang pangangailangan ng mga mamamayan.

Batay sa inilabas na datus ng Philippine Statistics Authority (PSA), lumalabas na ang Catanduanes ang may pinakamababang naghirap  nitong 2021 kumpara sa lima pang lalawigan sa rehiyon.

Ayon sa opisyal nagkaroon din umano ng pag-angat ang lalawigan kung pagbabatayan ang classification nito. Mula sa pagiging 4th class province ay naging 3rd class na ito sa ngayon.

Inilahad din ng gobernador ang iba pang nagawa kagaya ng pagiging mabilis umaksyon sa typhoon response sakaling merong mga kalamidad kagaya ng dumaang bagyong Rolly at Ulysses, scholarship for Catanduanes medical and law students, kung saan umabot na sa 7 ang nabenipisyuhan, educational assistance for student mula 2 libo hanggang sampung (10) libong financial assistance na meron ng 506 students ang nabibigyan, improvement ng vital facilities sa CatSU Panganiban, first abaca processing facility sa bayan ng Caramoran para sa mga abaca farmers, mula sa pagiging manual to mechanize na malaki ang tulong sa income at livelihood.

Ipinagmalaki rin ng opisyal ang aprubado ng economic zone (ecozone) sa Catanduanes State University na makakatulong umano sa generation ng trabaho at ito ay nais niyang gawin sa buong lalawigan.

Sa health services, nais niyang dagdagan ang health facilities kagaya ng Ct-scan at MRI, expansion ng EBMC at mapataas ang level ng EBMC mula sa level 2 hanggang sa level 3 bilang paghahanda sa offering ng medical courses.

Samantala, sa panig naman ni incumbent Vice Governor Shirley Araojo Abundo uunahin at pagtutuunan niya umano ng pansin  ang kapakanan ng mga tao sakaling maluklok sa pwesto bilang gobernador.

Ayon kay Abundo, panahon na para mas bigyang pansin ang pangangailangan ng mga mamamayan na napabayaan sa nakalipas na mga taon.

Makikita umano sa lalawigan na halos in-place na ang mga impraktratura kung kaya’t panahon na para unahin naman ang kapakanan ng mahihirap na umaasa lamang sa bulsa ng mga politiko. Dahil umano ito sa kawalan ng matibay na programa na tumutugon sa ang mga social services.

Partikular ding tututukan umano niya ang health care system, turismo at livelihood, lalo na ang tulong sa mga Small Medium Enterprise (SMEs) na lubhang naapektuhan ng pandemya.

Sisikapin niya ring magkaroon ng katuparan ang kanyang mga pangarap na maramdaman ng lalawigan ang tunay na pagbabago.

Ipinagmalaki nito na sa kanyang panunungkulan bilang bise gobernadora, naging maganda ang samahan ng mga miyembro ng SP at naitaguyod ang mabilis na referral sa mga panukala at maagap na pagsasagawa ng mga committee at public consultations upang balangkasin ang mga panukalang naiatang sa mga committee chairmanship. Personal din umano siyang umaatend sa mga hearings upang pagdating sa session ay naunawaan niya na ang mga usapin.

Naisaayos niya rin umano ang provincial library sa loob ng SP compound, kung saan nagkaroon ng internet access sa tulong ng DICT, kapartner ang Bangko Sentral ng Pilipinas na siyang naglagay ng knowledge corner para sa research ng mga estudyante maging ng PIA. Marami ring donasyon na mga aklat mula sa abroad, naipatayo ang SP playground at legislative gallery para sa mga dating humawak ng SP bilang pag-alala sa mga ito.

Nagpasimuno rin umano sila ng mga outreach programs sa mga mahahalagang tanggapan ng pamahalaan upang dalhin sa isla ang serbisyo pabor sa mga mamamayan sa halip na magtungo sa mainland bicol, kagaya ng DFA mobile passporting, NBI, PRC at Napolcom.

Meron din umanong wellness program sa mga kababaihan at medical assistance maging mga reading materials sa mga estudyante. Financial assistance sa mga paaralan at mga barangay para matugunan ang mga nangangailangan.

Sa kanyang pagiging acting governor sa loob ng isang taon, naisaayos niya umano ang children’s playground, farmville bilang modelo sa pagsasaka, nasimulan ang pag-uusap sa agro-tourism road map, pagbuo ng comprehensive sports development program sa mga kabataan.

Inilatag ni Abundo ang mga plataporma nito sakaling mahalal sa pwesto: Prayoridad umano rito ang good governance, a government that is participatory, transparent and accountable, a government that follows the rule of law, social services to be able to provide a basic services, particularly healthcare dahil sa pandemya.

Kasama rin dito ang provision for the immediate release of relief goods diretso sa mga munisipyo upang mabilis na matanggap ng mga taong nangangailangan lalo na sa panahon ng kalamidad, education for all, assistance maging sa ALS program ng DepEd, strictly implementation ng environmental policy and protection, Business friendliness and competitiveness para sa mga nais mag-inves sa lalawigan para makatulong sa problema ng unemployment, choose Catanduanes  tourism campaign para sa turismo, recapacitate tourism frontliners kagaya ng mga community based tour guides at creation of tourism circuits sa lalawigan. Tututukan din umano ng abundo administration ang agriculture and fisheries.

Sa tanong ni Governor Joseph Cua kung bakit hindi niya nagawa ang kanyang mga inilalatag na plataporma noong maupo ito bilang acting governor, sinabi ng bise gobernador na limitado ang kanyang mga hakbang sa panahong iyon dahil alam niyang babalik sa pwesto ang gobernador. Ayaw niya umanong magalit ang gobernador kung pakikialam niya ang mga programa nito. Hindi naman inilahad ni Abundo kung anong isyu ang sinasabing nagalit ang gobernador nang kanyang pakialaman ang ilang programa nito sa kapitolyo.

Advertisement