Virac, Catanduanes – Pormal nang inilunsad sa lalawigan ng Catanduanes ang Golden Rice Program ng Department of Agriculture – Philippine Rice (DA-PHILRICE) Bicol.

Isa ang lalawigan ng Catanduanes sa pitong (7) pilot provinces na napili  ng ahensya sa bansa para maging priority areas ng Golden Rice program.

Ayon kay Dr. Victoria Lapitan, DA-PhilRice ng Ligao town station director, sa Luzon area tanging ang Quirino province at Catanduanes lamang ang napasama sa programa, samantalang sa  Visayas, Antique at Western Samar habang sa Mindanao kasama rito ang Agusan Del Sur, Lanao Del Norte at Maguindanao.

Ayon sa opisyal, napili ang lalawigan dahil malaki umano ang problema sa malnutrisyon at itinuturing na isang rice surplus producing ang probinsya ng Catanduanes.

Ang Golden Rice ay mayaman sa Vitamin A na matutugunan nito ang kakulangan sa Vitamin A na humahantong sa malnutrisyon.

layunin nilang tiyakin ang availability, affordability, accessibility sa ligtas at masustansyang bigas sa lahat ng Pilipino sa lahat ng oras.

Ang mga natukoy na kooperatiba ng magsasaka sa mga bayan ng Virac at Viga mula sa mga bayan ng Virac at Viga sa Catanduanes ay makakatanggap ng Golden Rice nang libre.

Samantala, inihayag naman ni Gobernador Joseph Cua ang buong suporta sa Golden Rice (GR) program ng DA-Philippine Rice Research Institute (PhilRice) at International Rice Research Institute (IRRI).

Ang Catanduanes ang nag-iisang probinsiya sa Bicol, at isa sa dalawang probinsiya sa buong Luzon, na pinili ng DA-PhilRice para sa proyektong ito. Lubos nito umanong matutugunan ang isyu ng malnutrisyon at vitamin A deficiency (VAD) sa lalawigan.

Ayon sa DA-PhilRice, ang Golden Rice ay isang genetically modified (GM) na uri ng bigas na naglalaman ng beta carotene. Ang beta carotene na ito ang siyang pinagmumulan ng vitamin A at ng mala-gintong kulay ng bigas. Bukod sa paglutas sa malnutrisyon, matutulungan din ng bigas na ito ang mga magsasaka na magkaroon ng mataas na kita.

Bagamat isa itong GMO, sa kasalukuyan ay wala pang scientific data na nagpapatunay ng anumang masamang epekto sa kalusugan ng Golden Rice. Idiniin din ng DA-PhilRice na pumasa ito sa maraming masusing pagsusuri bago inaprubahan ang pagpaparami nito.

Ikinagalak ng gobernador ang hakbang na ito dahil hindi lamang malnutriusyon ang pwedeng matugunan subalit maging self-sufficient ang lalawigan.

“Na-apriciate ta ang Philrice sa pagtau nin importansya sa isla. Way back ten years ago, pinakahalangkaw na malnutrisyon kita,  pero nagbaba na ang porsiyento. Kabale digdi ang kaso ng mga bansot”, pahayag ng gobernador.

Aniya, isa umano sa mga dahilan ng pagkabasot batay sa pag-aaral ay ang kawalan ng sariling CR sa mga kabahayan. “Matau ang LGU nin materials, pero ang labor counterpart ning recipients, pero, makoordinar kita sa DSWD sa paagui kan food for  work, para mapadali ang proyekto.  

Nais niya rin umanong lumaki ang produksyon ng Golden rice hanggang sa iba pang mga munisipyo upang makatulong sa suplay para sa nutrition program, kagaya ng  feeding program at prepositioning sa oras na merong kalamidad. (Ferdie Brizo)

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.