Virac, Catanduanes – Ikinuwento ni Provincial Tourism Officer Carmel Garcia sa panayam ng Radyo Peryodiko ang mga pangyayari matapos masangkot sa aksidente ang kanilang service vehicle na nakapatay ng dalawang estudyante.

Tatlong araw matapos ang insidente,   inamin nito ang kanyang naranasang trauma. Siya mismo umano ay nasa unahang bahagi ng sasakyan nang mangyari ang aksidente, kung saan nagising na lamang siyang nakahinto na ang kanilang sinasakyan. Halos nasa state of shock pa umano siya dahil sa bilis ng mga pangyayari.

“As of this moment, I am still at the state of shock, I thought I was dead. Grabe po ang impact kan naging pangyayari, siyempre maski sisay na driver, we pray for our safety. Ako po personally, ga drive po ako going Pandan and Virac, so aram ko man po kung ano ang pagmate ning sarong driver”, ayon kay Garcia.

Tulog umano siya nang mangyari ang aksidente na halos ang memorya niya ay tila umiikot sila at biglang huminto ang sasakyan.

“Tulog po ako kan nangyari, ang memory ko po gaikot ang awto, baging gashake kami and suddenly nag full stop. So pag-iriba ko sa likod, so saro tulog, so saro gising, I’m not so sure kung derekta naheling ninda ang pangyayari. Na shock din po ang driver, lahat kami na dai mi piga-expect na ganun ang mangyayari ta nasa mainroad na man po yon. Lahat kami daing tama, except for one, nakauntog ang payo niya , pero ok na”, paglalahad pa ng opisyal.

Dinepensa naman nito ang sarili sa mga komento sa social media hinggil sa araw ng linggo nangyari ang naturang insidente.

“I was on official travel to monitor and gather feedback to the recently concluded abaca festival and motorcycle tourism. Feedback, problem na ipaabot sa DOT and promotion board. Normally it is a post event visit to  extend thank the stakeholders personally”, dagdag pa ng opisyal.

Ipinabot ni Garcia ang kanyang pakikiramay sa pamilya dahil sa naturang hindi sinasadyang mga pangyayari at siniguro ang tulong sa mga naging biktima.

“Personally, dakula ang sakong pakikidumamay sa mga biktima maging sa pamilyang naiwanan. The provincial government which I am a part of, bilang sarong empleyado, nakahuron ko na man po ang sakong direct superior si Gov Cua, nagtau po siya ning aassurance sa pamilya sa mga naging biktima na tatabangan po, kung anuman po ang mga assistancia na pwedeng itabang.

In behalf of the provincial tourism, piga-extendir me ang pakikidumamay sa pamilya kan unfortunate insidente na ini and nilalaom mi man po ang publiko na maging kalmado sa pagheling kan incident na ini. So mga post na comment, dai ta man po aram ang bilog na pangyayari. Gapasalamat ako sa mahal na Diyos, although igwa ning nasakripisyong buhay, pero just the same, yaon ang sakong pakikidumamay”, pagtatapos ni Garcia.

Kasama sa mga naging biktima ng vehicular accident ay sina Lyan Kim Aldave y Aquino, 16, at Shervin Teodoro y Vallespin, 9 anyos, pawang residente sa nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ng pulisya lumalabas na habang binabaybay ng toyota Hi-lux ang kahabaan ng Barangay Bislig mula sa bayan ng Pandan patungong Virac nang mawalan ito ng kontrol , kung saan kinain nito ang kabilang linya at aksidenteng nahagip ang dalawang menor.

Unang nitong sinalpok ang isang 9 na taong gulang na batang lalaki na nakabisekleta, sumunod ang isang 16 anyos na dalagita na naglalakad humigit kumulang 10 metro ang layo sa unang biktima.

Ideneklarang dead on arrival ng doktor ang mga biktima nang dalhin ito sa Juan M. Alberto Hospital.

Isinailalim sa inquest proceedings ang driver na si Marlon Zafe y Ibayan, 32 anyos, residente ng Brgy. Gogon Centro, Virac. Dalawang (2) counts ng reckless imprudence resulting to homicide ang isinampa sa driver.  (Ferdie Brizo)

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.