Bicol Peryodiko

Magarap ka

Kung matutupad ang pinangarap ng mga napangakuan na ibibigay lahat na kayamanan ng yumaong Marcos sa mga Pilipino kapag nanalo si BBM, sureness na hindi na maghihirap ang Pinas. Ito ang mga namutawi sa karamihan sa mga bumuto sa mga liblib na lugar na misteryo kung mangyayari kapag nakaupo na si PBBM.

Ang tanong kung totoo kaya ang mga pangarap na ito o aspiration lamang? Hikhikkhikhihik! Meron pa ngang mga IDs na ibinigay na milyunes ang makukuha ng ilan kapag nanalo na si BBM. Sana merong magsingil nito sa malakanyang sa mga susunod na araw..hikhihikhik!

Marami ang naniwala sa Tallano gold na siya umanong aahon sa bansang ito at ginamit na rin ng maraming panahon sa bawat election. Kapag nangyari, sureness na talagang babangon tayong lahat maging ang mga patay. Hikhikhikhikhik! Kung totoo ang mga pangako na ito, hihintayin natin sa mga susunod na kabanata.

**********

Proud na proud ang mga cabinet ni Tatay Digong dahil isang nakapaganda at mahusay umano ang Duterte admin sa loob ng anim na taon? Hikhikhikhik! Ang husay nga naman na nagkaroon tayo ng mamanahin na 12.68 Trillion na utang sa iba’t ibang dako ng mundo. Kasama rito ang mga pangarap na build build build, kaya’t wawa naman ang gagawin ni PBBM admin para makaahon ang bansa sa pagkakalugmok sa kumunoy..hikhikhikik!

Dahil kaalyado ang nanalo, kaya’t walang sisihin blues na mangyayari. Sakaling magkaroon ng sisihin blues, yari na ang buto-buto, sureness na maghahalo ang balat sa tinalupan dahil gigiyerahin si PBBM ng kanyang mga kaalyado at nakabantay si Tita Sara bilang successor.hikhikhihikhik!

***********

Marami ang humihingi ng hustisya sa pagkamatay ng Municipal Social Worker ng Viga matapos barilin at mamatay on the spot sa kanyang sasakyan noong Mayo 24. Ayon kay COP Caparuso, nagpapatuloy ang kanilang imbestigasyon sa pangyayari. Ang tanong kelan kaya matatapos ang imbestigasyon? Meron kayang magbibigay ng pabuya para maituro kung sino ang nasa likod o sino ang gunman ng naturang insidente?

**********

Exit mobile version