Tuluyan nang mauupo bilang pangulo ng Philippine Councilor’s League President (PCL), Catanduanes Chapter at Ex-officio member ng Sangguniang Panlalawigan si council Joselito Alberto mula sa bayan ng Bato.
Itoy matapos piliin ng mga konsehal mula sa labing isang bayan sa lalawigan ng Catanduanes.
Kaagad namang pinasumpa ang mga bagong opisyal ni Gobernador Joseph Cua na isinagawa sa Catanduanes Convention Center kahapon, Agosto 10, 2022.
Si Alberto ang pansamantalang umupo sa pwestong iniwan ni dating PCL President Allan Del valle bilang successor matapos hindi pinalad bilang regular member ng SP nitong nakalipas na halalan.
Pinaabot naman ni Alberto ang taus pusong pasasalamat sa buong hanay ng mga konssehal sa buong lalawigan sa oportunidad na maging tagapangulo para sa 2022-2025 na termino.
Kasali sa mga nahalal sa iba pang pwesto ay ang mga sumusunod:
Vice President: Councilor Joseph Mendoza ng Virac, Secretary-General: Councilor Fidelito Soledad ng Baras, Treasurer: Councilor Rosie Olarte ng Virac, Auditor: Councilor Hazel Isidoro ng Virac, Public Relation Officer: Councilor Melchor Velasco ng Panganiban, Business Manager: Councilor Rizalito Ayala ng Bagamanoc.
Samantala, nahalal naman bilang Board of Directors ay ang mga sumusunod:
Councilor Patrick Ian Aquino, Councilor Diolito Tanael, Councilor Francis Karl Aquino, Councilor Amadeo Alcantara, Councilor Rommel Antonio, Councilor Eleazar Guerrero, Councilor Ely Tasarra, Councilor Antonio Torrenueva. Naitala naman bilang appointed Board of Directors sina Councilor Robert Maullon, Councilor John Willy Tabirara at Councilor Josue. (BP NewsTeam)