Virac, Catanduanes – Positibo ang naging tugon ni Pres. Patrick Alain Azanza sa problemang idinulot ng pagdagsa ng mga estudyante sa Catanduanes state university (CAtSU) sa unang araw ng pasukan noong Agosto 8, 2022.

Halos mala-blockbuster na pila ang bumungad  sa face to face balik eskwela na  tinatayang kalahating kilometro ang haba sa harapan ng entrance ng CATSU dakong alas 6 ng umaga pa lamang at nagtagal dakong alas 9.

Sa pagpasok sa paaralan kailangan ihanda ang mga dokumento na pinapakita tulad ng tentative Enrollment Form at Vaccination card upang tuloy tuloy na ang kanilang pagpasok.

Ngunit sa kabila ng kahandaan ng mga estudyante ang pagdagsa ng maraming bilang. Dakong alas syete ng umaga halos umabot na ito sa kabilang kalye sa Deborah street eastern Cavinitan sa labas ng CATSU habang umabot naman sa entrance ng Moonwalk area sa airport site ang pila sa left entrance ng naturang paaralan.

Sa panayam ng Radyo Peryodiko sa programang Teleperyodiko news and Views noong Agosto 9,  inako ng pangulo ng Catsu ang full responsibility sa idinulot na inconvenience sa trapiko maliban pa sa init  at siksikan mga lugar.

 Ayon President Patrick Allain Azanza, masyado umanong naging excited lang ang mga estudyante dahil sa skedyul ng school tour at orientation. Dahil dito, may mga isinagawa umano silang remedyo sa problema matapos mamataan ang mahaba at makapal na pila ng mga estudyante sa magkabilang bungad ng Catsu.

Dahil sa sitwasyon, ipinag-utos kaagad umano ng pangulo na sa loob na ng kanilang mga classroom magsagawa ng thermal scanning maging attendance dahil isa ito sa nagpabakal sa daloy ng pila.

Bagamat plinano na umano nila ang mga scenario na mangyayari subalit hindi nila naanticipate ang iba pang sitwasyon kung kaya’t nangyari ang naturang insidente.

Magkaganun paman humingi ng paumanhin si Dr. Azanza sa mga stakeholders na naapektuhan ng naturang sitwasyon. Matatandaang maging ang konseho ng Cavinitan sa pangunguna ni Punong Barangay Mathea Tablizo-Bautista ay nagpaabot ng komento sa kawalang koordinasyon sa mga plano at aktibidad ng Catsu.

Sa kabila nito, nangako si Pres. Azanza na makikipagpulong sila sa konseho ng mga adjacent brgys maging sa pnp at local government units ng Virac para sa iba pang kolaborasyon at upang hindi na maulit ang parehong insidente.

Nangako si Dr. Azanza na sosolusyon nila ang problema sa parking space ng mga motorsiklo ng estudyante na nakahilira ngayon sa gilid ng national highway na ipinagbabawal ng DILG.

Pakikipagpulong sa LGU Virac ang solusyon umano rito upang magtulungan sa disposisyon lalo pa’t lugar na rin umano ng LGU. Tanging may mga stickers lamang umano ang kanilang papasukiin sa loob ng paaralan dahil ito ang kanilang policy. (BP Newsteam)

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.