Pinarangalan ang sampung (10) PNP personnel mula sa Catanduanes Police Provincial Office sa isinagawang flag raising ceremony noong Agosto 22, 2022 sa Camp Simeon Ola sa lalawigan ng Albay.
Nabigyan ng Medalya ng Kagalingan ay ang mga sumusunod: PLT. Arnee Julius Givero Dedase at Pat Kevin Ong Abrasaldo.
Pinarangalan naman ng Medalya ng Papuri sina PCpl Roldan Tioxon Abundo, Pat Jaymar Cahilog Ruiz, Pat Henjie Bicaldo Ibo, Pat Jomin Viñas Binamira, Pat John Rhey Nota Bedis, Pat Gonzalo Jr. Aldea Soriao.
Samantala, para sa Medalya ng Pagkilala ay napunta kina PSMS Shelly Templonuevo Villamor at PCpl Jose Rodulfo Tejada Jr.
Si Catanduanes Governor Joseph Cua ang naimbitahan bilang panauhing pandangal sa naturang aktibidad na ipinaabot ang kanyang pasasalamat na maging bahagi ng naturang seremonya.
Ang pag-imbita ng PNP Region 5 sa mga local officials ay bilang bahagi ng hakbang upang mapalakas ang kolaborasyon sa mga local chief executives sa buong rehiyon.
Pinasalamatan ng gobernador ang bagong pamunuan ni Regional Director PBGEN RUDOLPH BOTENGAN DIMAS, kung saan malugod na binati ang pinarangalang kapulisan sa lalawigan sa kanilang natatanging kagalingan at accomplishment.
Sinabi ng opisyal na magpapatuloy ang buong suporta ng lokal na pamahalaan sa pamunuan ng PNP para sa pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan sa lalawigan. (RICHMON TIMUAT)