Viga, Catanduanes – Ang mga bayan ng Panganiban, Viga at Bagamanoc o mas kilala sa pangalang PAVIBA ang tinungo ng DSWD Catanduanes team para sa ikalawang Sabado ng Educational assistance noong Agosto 27, 2022.

Sa panayam ng Radyo Peryodiko kay DSWD Information Officer Mary Gizzelle Mesa, binuksan nila ang ideyang clustering para mabawasan na ang gastos at pagod ng mga tatanggap ng ayuda.  

Ginawang distribution venue ang covered court ng Panganiban na merong target na 500 students, Bagamanoc Rural Development High School sa bayan ng Bagamanoc na merong 222 students at Viga plaza sa bayan ng Viga, Catanduanes na merong 500 target students.

Samantala, inanunsyo ng tagapagsalita  ng DSWD na muli nilang binuksan ang google form link sa mga kwalipikadong estudyante para mabigyan ng tsansa ang mga hindi nakapagparehistro sa walk-in noong Agosto 20.

Muling nilinaw nito na  isasailalim pa sa evaluation ang lahat na mga aplikante para himayin kung pwede ang mga itong tumanggap ng ayuda.

May kabuuang 1,222 ang nabigyan ng educational assistant nitong Agosto 27, 2022.

Plano naman ng DSWD na tunguhin ang iba pang clustered areas para sa nalalabi pang Sabado ng distrubusyon. Ang tentative na plano ay ang mga sumusunod: Septyembre 3 – Pandan and Caramoran,  Septyembre 10 – Gigmoto and Baras (proposed venue – Baras),  Septyembre  17 – San Miguel and Bato ( proposed venue – Virac),  Septyembre  24 – Virac and San Andres.

Nangangahulugan lamang umano ito na ang mga kwalipikadong estudyante ng naturang mga bayan lamang ang iimpormahan ng DSWD upang hindi maulit pa ang nangyaring gusot sa nakalipas na linggo, kung saan halos  lahat ay dumagsa sa Virac Sports Center sa bayan ng Virac. (FB)

Advertisement