Virac, Catanduanes – Ginulat ng dalawang beauty titlists mula sa lalawigan ng Catanduanes ang mga Catandunganon matapos parehong pumasok sa Miss Bicolandia beauty contest nitong Agosto 28 sa Naga City.
Sila ay sina Ms. Claudine Timola, 25 taong gulang, tubong Baras, Catanduanes at reigning Binibining Catanduanes 2021 at si Ms. Rosalexi Isidoro , 19 taong gulang, tubong Virac at reining Binibining Catandungan Festival Queen 2021 at dating Mutya ng Virac 2019.
Mula sa 42 mga aplikante, 35 rito ang napasama sa public appearance at maswerteng nakapasok ang dalawang pambato ng Catanduanes na sina Rosalexi Isidoro bilang candidate no. 17 at candidate no. 28 naman si Claudine Timola.
Simula Setyembre 1-7 magiging punong abala ang mga kandidata dahil tampok sila sa mga malalaking events ng Naga City government bilang bahagi ng pagdiriwang ng Peñafrancia Festival.
Sa panayam ng Radyo Peryodiko, parehong inilahad ng dalawang official candidates ang buong kagalakang makasama sa prestihiyosong patimpalak.
Ayon kay Timola, bagamat sumali na siya sa ilang regional beauty contest kakaiba umano ang pakiramdam na makasali sa Miss Bicolandia. Parehong nagpahayag ng kahandaan ang dalawang dilag para sa kanilang malaking laban. Pabirong sinabi ni Timola na 200 percent siyang handa samantalang 1,000 percent namang handa si Isidoro.
Sa tanong kung handa naman ang mga itong maging showbiz personalities sakaling makuha ang titulo at makarating sa mga national competitions kagaya ng Binibining Pilipinas, sinabi ni Ms. Timola na bukas umano siya sakaling mabigyan ng pagkakataon. Kabaliktaran naman ito kay Isidoro na kailangan niya pa umanong pag-isipan ang naturang mga bagay dahil nag-aaral pa ito sa ngayon.
Si Isidoro ay Medical Technology student sa Manila samantalang Tourism graduate naman si Timola.
Lubos ang naging kasiyahan at pasasalamat ng dalawang kandidata sa pagbati at overwhelming appreciation ng mga Catandunganon na halos hindi magkamayaw matapos ianunsyo na parehong pasok ang mga pambato ng Catanduanes.
Malakas ang paniniwala ng dalawa na makukuha ng isa sa kanila ang titulo bilang Miss Bicolandia 2022.
Narito ang listahan ng top 20 official candidates mula sa Miss Bicolandia committee: Mary Denise Alexandre G. Nueva ng Bula, Camarines Sur; Sandip Kater ng Iriga City, Camarines Sur; Trixia Jorgia P. Aganan ng Sorsogon; Kazzandra Seton ng Siruma, Camarines Sur; Margarette Briton ng Tabaco City, Albay; Elaine D. Decano ng Labo, Camarines Norte; Jeanette L. Reyes ng Pasacao, Camarines Sur; Ma. Alexa N. Garcia ng Polangui, Albay; Mary Joy A. Darilay ng Naga City, Camarines Sur; Reinsfer Khrizette Ranara ng Naga City, Camarines Sur; Rheema Adakkoden ng Naga City, Camarines Sur; Reynaleen D. Praferosa ng Naga City, Camarines Sur; Claudine Timola ng Baras, Catanduanes; Iris I. Oresca ng Naga City, Camarines Sur; Princess Joy Plotado ng Baao, Camarines Sur; Dara Sofia Cartujano ng Naga City, Camarines Sur; Jeanne Isabelle Bilasano ng Malilipot, Albay; Rosalexi B. Isidoro ng Virac, Catanduanes; Jannel Mendee Calleja ng Sorsogon; Janine T. Ahmad ng Mercedes, Camarines Norte. (FB)