Virac, Catanduanes – Dahil typhoon season na, nakahanda na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) hinggil sa mga relief goods sakaling kailanganin ng mga maapektuhang residente.

Ayon kay DSWD Region 5 Information Officer Marygizelle Mesa meron umano silang mga warehouses sa lalawigan na may mga nakaimbak na goods.

Kasali rito ang 1,000 family food packs (FFP’S) at 600k plus fund na nakalaan para sa lalawigan ng Catanduanes na hahatiin sa dalawang bayan sa lalawigan partikular sa mga prepositioned warehouse sa LGU Gigmoto at LGU San Miguel na may tig limang daang FFP’s.

Ang mga nasabing FFP’s ay naglalaman ng mga food items kagaya ng mga sumusunod: bigas, canned goods at inumin. Samantala, sa mga non- food items naman ay ang sumusunod; CFS at WFS tents, CCCM (Camp Coordination and Camp Management) kits, CFS at WFS kits, family tents, sleeping kits, family kit, hygiene kit, kitchen kit, mosquito nets, folding beds, water container, malong, laminated sacks at blankets.

Sa pagbisita ng bagong Regional Director sa lalawigan sinabi ni Mesa na meron na silang mga identified na bayan kung saan magkakaroon ng MOA sa LGU para merong stocks ng relief goods. Kasama rito ang Pandan at iba pang bayan.

 Kinumpirma nito na meron ng ipinapatayong warehouse ang provincial government ng Catanduanes na malaki ang maitutulong para sa naturang ahensya.

Ganundin ang gagawin sa ilang karatig lalawigan sa rehiyon na madalas daanan ng mga bagyo.

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.