Tila lumalabo ang pag-asa ng mga umaasa na matuloy sana ang halalan ngayong Disyembre 2022. Ayon sa ating bubuwit, tila maraming gumagapang para itoy hindi matuloy para tuloy ang ligaya ng mga walanghiyang wala ng pag-asang makabalaik sa pwesto..hikhihihihik!
Anyway, kumpas ng Malakanyang ang didinggin sa naturang issue, kaya’t anuman ang magiging boses ng Presidente, sureness na pasok sa banga ang anumang plano..hikhikhkhikhik!
Pagbigyan natin ang hilig ng mga nakakataas. Kasi ayon sa bibliya, ang mga nagpapakataas ibababa, ang mga nagpapakababa, ay itataas..hjikhikhikhik!
**************
Sino kaya ang papaburan ng SB at ng alkalde ng Virac hinggil sa issue ng pamasahe?, ang mga hiritista na itaas o imantini ang pasahe o kaya ang mga hiritista na nagpupunyaging ibaba ang pasahe? Hikhihikhikhik!
Sa ganang akin, dapat bawasan ang pasahe dahil sangkaterba na ang mga pasahero sa ngayon na halos hindi na nga nila kayang isakay. Pero, hindi naman super baba para meron pa ring kita ang ating mga motorista.
Kung mura kasi ang pamasahe, marami ang gagala, pero kung mahal ang pasahe, sure na walang gagala dahil lahat lang nakatingala..hikhkhihikhik! at maghihintay ng ugay mula sa poong maykapal..hikhkhikhik!
Nauunawaan natin ang hinaing ng mga tricycle drivers, subalit dapat din nilang tingnan at unawain ang side ng mga mananakay na matagal ng umaaray sa sitwasyon. hikhikhhikhik! Meron kasing ilang driver na gusto nilang sila lamang ang mabubuhay sa mundong ibabaw..hikhikhihikhik!
**********
Malapit na ang pasko, nagparamdam na si Manong Jose Mari Chan kaya’t marami na ang nagpapa-alala na paparating na ang bigayan..hikhikhihkihkik!
Kung sabagay, kahit hindi pasko nandyan naman ang DSWD upang maghatid ng maraming biyaya. Ang kalampagin nalang natin ay si Ka Erwin, na malambot ang puso sa mga kumakatok sa kanilang pintuan. Konting paiyak-iyak lang diyan, sureness bibigay na iyan..hikkhihikhik!
Nauuso ngayon ang ayuda portion kaya’t ayuda rito at ayuda roon ang labanan..hikhikhihikhik! Hindi ako magtataka na ang iniwan ni Degonyo na 13 trilyong pagkakautang, lolobo sa doble sa susunod ilan pang taon, kung hindi maghunos dili ang Marcos administration..hikhihihhikhik! KITA KITZ MGA KAPERYODIKO!
**********
Nilinis na umano ni public servant Dr. Patrick Alain Azanza ang customary practice sa Catanduanes State University na dating pinamumugaran ng Cor—uption..hikhikhihik! Noong madatnan niya umano ang paaralan, tila maraming kumakamal ng pagkaperahan, kaya’t umaaray ang mga kontraktor. Meron di umanong mga proyekto, tila naging milking cow ng ilang mga pasaway na Makati ang kamay, kapag proyekto ang pinag-uusapan. Kaya’t ang sabi niya sa naging panayam ng Radyo Peryodiko, zero corruption ang kanyang naging sandata para sa paglilinis ng mga eye sore sa naturang paaralan. Makakaasa umano ang Catandunganon na nasa mabuting kamay ang CAtSU. Nangangahulugan umano itong, sa CatSU, wala ng Cut ang mga proyekto..hikhikhihihikhik!
Maalala ko ng apala, noon, marami ang umaalis sa CatSU dahil matagal ma regular, pero sa pag-upo ng bagoong pangulo, tila bawat linggo merong napo-promote at nakakapasok. Ang tanong, ano ng aba ang vertud ng kanyang pag-upo? Hikhihihihik! Kwento ng pangulo, noong una siyang maupo, tila itinatago umano sa kanya ang kompletong listahan ng plantilla position at dahil dati siyang HR sa UP, nagawa niyang Makita ang kabuuan ng structure ng paaralan, at ditto tumambad ang napakarami palang mga position na tila binuro lamang ng nakalipas na mga humawak sa hindi malamang kadahilanan?
Gaano namang kaya katotoo ang sinasabi ng ating bubuwit na ginagawa kasing savings ang personnel fund na dapat sana sa promotion at hiring para merong pagkaperahan kapag buwan ng pasko?..hikhihihihik! Ayon sa pangulo, dais a pagtitipid na ito, tila naiuuwi pa sa national treasury ang iba pang pondo, kaya nga ipinapakipaglaban din ng dating solon na maibalik ang dating budget sa MOOE dahil sa kagagawan ng iilan sa naturang paaralan..hikhikhihikhik!
Hulog ng langit pala diyan ang bagong pangulo…hikhikhikhik! Sana mamantini niya ang ganung record at hindi siya mabahiran ng ilang masasama ang budhi sa naturang paaralan..hikhihihik! KITA KITZZZ KAPERYODIKO!