Virac, Catanduanes – Pinangunahan ni Regional Director BGen. Rudolph B.  Dimas ang turn-over ng mga bagong kagamitan ng PNP Provincial Command sa lalawigan ng Catanduanes noong Setyembre 23, 2022 sa Camp Francisco Camacho.

Ang mga bagong kagamitan ay mula sa national headquarter ng PNP at  sa lokal na pamahalaan ng Catanduanes.

Kabilang sa mga kagamitan mula sa PNP National Headquarter Quarter ay ang mga sumusunod:  52 units Pistol Caliber 9 mm”Girsan” para sa mga bagong Patrolman; 40 units Cal 5.56 Basic Assault Rifle para sa  1st and 2nd Provincial Mobile Force Company; 5 units Desktop computers para sa mga Municipal Police Stations ng mga bayan ng  San Andres, Viga, Gigmoto, Baras at Bagamanoc.

Maliban sa naturang mga ikipahe, meron ding JBL Party box para sa CATPPO; 1 unit LED 70″ TV LG, 1 printer Epson at 1 Cannon Scanner para sa  CATPPO mula sa donasyon ng AFPSLAI at isang Desktop Computer para sa San Miguel MPS na donasyon mula sa PSSLAI.

Mula sa lokal na pamahalaan ang mga sumusunod na donasyon: Two(2) units Toyota High-Lux 4 x4 Patrol Car, two(2) units 150 cc Honda motorcycle and sixteen(16) units Cal 5.56 M4.

Malugod namang tinanggap ni PNP OIC Provincial Director Benjamin B. Balingbing, Jr. ang naturang mga kagamitan at taus pusong nagpasalamat ito mula sa mga donors. Malaki aniya ang maitutulong nito para mas pang maging epektibo ang kanilang pagganap sa pagpapanatili ng pase orden sa lalawigan.

Naging saksi rin sa turn-over si DILG Provincial Director Uldarico Razal, Jr. samantalang si Most Reverend Manolo A. De Los Santos, D.D., ng Diocese of Virac ang nanguna sa blessing ng naturang mga bagong kagamitan.

Samantala, nagcourtesy din ang opisyal kay Governor Joseph Cua kasama sina PCOL PAUL ABAY, C, ROD and PCOL BENJAMIN BALINGBING Jr, PD, upang mas pang mapatatag ang relasyon sa Pagitan ng LGU at PNP sa adhikaing magkaroon ng kolaborasyon sa pagpapanatili ng peace and order sa lalawigan.

Maliban sa naturang aktibidad, pinangunahan din ni RD Dimas ang inilunsad na “ROAD to K” o Fun Bike activity ng Provincial Command nitong Sabado, Setyembre 24 na dinaluhan ng humigit kumulang 600 na mga participants. Ito ay  bilang suporta ng PNP Provincial Command sa tinatawag na “Kasimbayanan” sa lalawigan.

Ang pagbisita ni General Dimas ay bahagi ng kanyang regional tour sa Bicol Region, matapos itong maupo bilang pinuno ng PNP sa rehiyon ilang buwan na ang nakalilipas.

Nais din ng opisyal na matingnan at suriin ang sitwasyon ng mga personnel at masiguro ang kanilang kapakanan na magampanan ng maayos at mahusay ang kanilang tungkulin bilang tagapagtanggol ng mga mamamayan. (FB)

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.