Panayam kay Governor Josephj Cua, kaugnay sa paghahanda sa bagyong Paeng. Ayon sa gobernador, halos all set na ang operation center ng PDCC para sa pagmobilize ng mga resources in anticipation sa paparating na bagyo.

Maging mga heavy equipments naka position na rin sa mga perennial areas na prone sa landslide para sa immediate clearing ng mga pangunahing daan.

Bilang aral sa nakalipas na bagyong Rolly na halos na-isolate ang lalawigan sa communication line, meron na umano ang PDRRMO ng Satellite phone para hindi mawalan ng communication sa labas ng lalawigan, kasama na ang iba pang communication lines.

Samantala, patuloy naman ang pagpapakain sa mga stranded na pasahero sa Tabaco Port. Dakong alas 7 kaninang umaga umabot na sa 98 ang stranded, na mas mababa kumpara sa mga nakalipas na bagyo. Dala umano ito sa maagang abiso ng DOTR sa mga sasakyan mula sa Metro Manila. Kagabi halos 50 ang pinakain ng LGU sa Tabaco.

Nakahanda narin umano ang mga food packs ng PSWD maging DSWD na nakapre-position narin sa mga strategic areas.

Muling nanawagan naman ang gobernador sa mga mamamayan na maghanda at makipagtulungan sa pamahalaan para maiwasan ang mga magiging distroso sa tao at mga properties.

Alas 9 kagabi nang magpalabas ng Memorandum ang gobernador hinggil sa suspension ng pasok sa mga pampublikong tanggapan,maliban na lamang sa mga frontliners sa basic and health services. Hinimok din ang mga pribadong kompanya para makapaghanda ng maaga.

Sa pagtataya ng Pagasa ngayong madaling araw ng Sabado posibleng maglandfall ang bagyo sa lalawigan ng Catanduanes.

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.