Marami sa ating mga local officials maging mga national officials ang maglalatag ng kanilang 100 days accomplishments bilang bahagi ng guiding light para sa kanilang mahabang paglalakbay sa loob ng tatlong taon hanggang anim na taon.

Kasama sa aabangan dito ang ulat ni Pangulong BBM para magkaroon ng ideya ang mga pobreng tikoy na pinoy kung saan ng aba patutungo ang bagong administrasyon.

Nais nating Makita kung sa kabila ng mga paghihirap na nararanasan ng mga mamamayan, ipagmamalaki pang umuunlad na umano tayo. Mas maganda kung ilalatag ang reyalidad o ang tunay na sitwasyon at ano ang tugon dito. Tutal hindi pa natin pwedeng kondenahini ang pangulo sa 100 days ng panunungkulan.

Ang resulta ng kasalukuyang sitwasyon ay dahil din sa kapalpakan ng nakalipas na administrasyon, kung kaya’t huwag ng gayahin ang nakalipas na lider na pinagmamalaking umuunlad tayo, subalit ang reality, lugmok ang kabuhayan. Ang nakikita kong umuunlad ngayon yaong mga politikong magaling magdiskarte sa kontrata ng mga proyekto na sagana sa komisyon kung kaya’t malasado ang resulta ..hikhikhikhik!

It’s a normal you know, ang abnormal dyan kung hindi na nangungumisyon ang mga honorables, pwera delos ubos..hikhikhikhik! Papano ba naman hindi mapipilitan sila na ang sahod na dapat pagkain na ng pamilya panglakip pa reseta ng mga dumudulog sa kanilang opisina..hikhikhikhik!

*********

Isa sa breaking news sa bansa kamakailan ay ang pagresign ng tatlong itlog sa Malacanang. Ang naturang tatlong itlog ang kasama sa mga key appointed personalities na malaki ang papel sa day to day agenda ng malakanyang..hikhikhikhik! Kasama diyan sina Executive Secretary Vic Rodriguez, Press Secretary Trixie Cruz Angeles at ang kontrobersyal na si dating Solicitor General at appointed COA Chairman Jose Calida.

Marami ang natuwa, subalit marami din ang nasurpresa sa kanilang naging maagang hakbang na iwanan ang bagong pangulo sa gitna ng malaking hamon sa unang 100 days ng kanyang panunungkulan. Jettison na kaagad o lumukso na kaagad sa barko ang tatlong itlog sa dahilang health at family consideration.

Pero, ayon sa ating bubuwit, tila nagkakaroon ng power play sa loob ng malakanyang kung kaya’t matira ang matibay..hikhikhikhik! Ang problema lamang kung marami pa ang sumunod dahil sa mga magiging pagbabago na posibleng hindi magkapalagayan ng loob sa mga bagong mabibigyan ng mandato..hikhikhikhik! Totoo bang merong pang mga susunod? Kaya’t maron umanong ginagawang pamatay sunog ang pangulo para hindi na malagasan pa..hikhikhikhik!

Dalawa sa napakahalagang ahensya ang tila hindi pa nalalagyan ng full-fledge secretary. Kasama rito ang Department of Health at ang Department of Agriculture.

Ang tanong kelan nga ba magkakaroon ng main honcho sa naturang mga pwesto para hindi madistorbo ang atensyon ng pangulo sa iba pang mga mahahalagang usapin. Kaya nga, meron tayong mga gabinete dahil common sense yan na hindi kakayahan ng pangulo na kanyang sasakupin lahat ng pag-iisip at pagpaplano ng naturang mga kagawaran..hikhikhikhik!

Kung kaya niyang gawing solohin ang mga key cabinet posts sa Malakanyang, siya na ang alamat sa mundong ibabaw. Patulong din kay Darna at kay Lolong pag may time Mr. President..hikhikhikhik! Mga eksperto ang kailangan sa naturang positions na magrerekomenda ng excellent ideas para tuloy na tuloy na ang pagbangon kasama si Pangulong Bongbong..hikhkhikhik!

*********

Marami ang naantig ang puso na mga teachers dahil nabigyan ni Vice Governor Boste Cua ng bigas. Bahagi umano ito ng promise ni VG na makahatid man ng lang konting tulong sa mga huwarang guro sa lalawigan. Kung dati aniya sa bayan ng San Andres lamang ito ginagawa, ngayon probinsya niya.

Meron lang nagsuggest na isang guro. Laudable aniya ang pamimigay ng bigas ng VG, pero mas magiging kompleto kung may kalakid na itong ulam..hikhikhikhik!

KITA KITZZ MGA KAPERYODIO!

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.