Bato, Catanduanes – Magiging daan ang FICELCO Mobile app sa mabisang pagbabahagi ng impormasyon ng First Catanduanes Electric Cooperative, Inc sa mga nasasakupan nito. Kabilang sa mga imporasyong ipahahayag ng FICELCO ay tungkol sa mga binayarang kuryente sa nakalipas na anim na buwan, buwanang billing rates o taripa ng kuryente sa kanya-kanyang bayan at kabilang rin ang updates ukol sa power interruptions na madalas na nararanasan sa probinsya ng Catanduanes.

Ang nasabing mobile app ay maaaring i-download sa Google Play store at upang magkaroon ng access dito ay kakailanganin na magsign-in muna gamit ang account name at account number na makikita sa electric bill receipt o sa notice of billing.

Mas mapapadali na ang magiging daloy ng impormasyon gayon din ang transaksyon dahil personal na itong ihahatid sainyo ng FICELCO sa pamamagitan ng FICELCO Mobile app. (Klair Tindugan)

Advertisement