Nakapagtala ang Office of Civil Defense (OCD) 5 ng 81 pamilyang inilikas sa ilang lugar sa rehiyon na may kabuuang 280 katao dahil sa Bagyong Amang.  

Mula ang mga ito sa mga bayan ng Guinobatan sa Albay, Mercedes at Talisay sa Camarines Norte, Bombon sa Camarines Sur at San Andres sa lalawigan ng Catanduanes. 

Nakapagtala din ang tanggapan ng 16 na insedente ng pagbaha sa mga lalawigan ng Camarines Sur at Camarines Norte.

Sa kabuuan mahigit sa dalawang libo, ang naitalang stranded na mga pasahero sa rehiyon, 381 rolling cargoes sa limang pangunahing pantalan sa Bicol. Unang nabigyan ng go signal na bumiyahe ang mga biyahesa Matnog Sorsogon.

Samantala, pinayagan na ngayong  umaga ang biyahe sa Tabaco port at ibang pantalan sa rehiyon matapos ibaba na ang signal sa mga lalawigan ng Catanduanes at Albay. (BP Newsteam)

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.