Pormal ng inalis ng Pagasa ang typhoon signal sa mga lalawigan ng Catanduanes, Albay, Sorsogon at ibang bahagi ng Masbate matapos lumayo at humina na ang bagyong si Amang.

Kaugnay nito, may pasok sa mga pampubliko at pribadong paaralan, maging sa mga pampublikong tanggapan, batay sa memorandum na ipinalabas ni Mayor Samuel V. Laynes at Gobernador Joseph C. Cua.

Resume na rin ang biyahe ng mga pampasaherong sasakyang pandagat mula sa Tabaco port, Virac at San Andres port, batay sa inilabas na kalatas ng Philippine Coastguard.

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.