Virac, Catanduanes – Pinangunahan ng Seal of Good Local Governance (SGLG) Regional Assessment Team (RAT) ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang assessment at documentary review nitong nakalipas na linggo sa mga bayan ng Baras, Bato at San Miguel para sa 2023-2024 Seal of Good Local Governance (SGLG).
Sinuri ng SGLG RAT ang mga dokumento at sertipikasyon na inilatag ng mga kinatawan ng LGU Baras, Bato At San Miguel ang kinakailangan para maipasa ang 10 governance areas.
Ito ay kinabibilangan ng Financial Sustainability and Administration; Disaster Preparedness; Social Protection and Sensitivity; Health Compliance and Responsiveness; Sustainable Education; Business Friendliness and Competitiveness; Safety, Peace, and Order; Environmental Management; Tourism Heritage Development, Culture and Arts; at Youth Development.
Nagsagawa rin ng inspeksiyon sa ilang physical requirements at ibang mga pasilidad na kinakailangan na maipasa ang naturang prestihiyosong seal.
Kabilang sa SGLG Regional Assessment Team sina DILG Camarines Norte Cluster Head/LGOO VII Jerwin H. Novio, Ph.D, katuwang sina SGLG Provincial Focal Person/LGOO VI Lea A. Madrid, Provincial Alternate Focal Person/LGOO V Katrina Roselle S. Tariman, at LGOO II Mike V. Ebio.
Samantala, ibinahagi naman ni Mayor Paolo Teves ng baras ang kanilang strong commitment ng kanyang nasasakupan na makapag comply sa lahat ng kinakailangang requirements at maisakatuparan ang pag-asang makamit muli ang SGLG sa taong ito.”. (Richmon Timuat)