Virac, Catanduanes – In response to complaints received from the public, the Sangguniang Panlalawigan (Provincial Board) of Catanduanes has urged the mayors of eleven municipalities in the province to address the issue of the rising pork prices.

The resolution was crafted by Provincial Board Members (PBMs) Jan Ferdinand A. Alberto and Jose Romeo R. Francisco, with the aim of alleviating the burden on consumers due to the sudden increase in pork prices in the market.

According to the complaining consumers, prices have reportedly risen from P280.00 to P320.00 per kilogram for unspecified reasons. During the committee meeting held on June 1, 2023, it was discovered that the farm gate price of live hogs only amounts to P200.00, as stated by a representative from the Catanduanes Cooperative ng Livestock and Poultry Agriculture Producers (CALIP).

To rectify the situation and ensure affordable pork prices, the Sangguniang Panlalawigan has proposed that the mayors enforce Section 16 of RA 7160, known as the Local Government Code of 1991, and Section 447 (a) (5) (iv) of the same code. These provisions empower local government units (LGUs) to regulate the sale of meat and other basic commodities for public consumption.

PBMs Alberto and Francisco emphasized that the mayors of the municipalities should take the lead in revisiting and revising their local ordinances regarding pork tariffs. Through this action, they believe that the current excessive price surge in the market can be effectively addressed, alleviating the burden on the constituents.

The SP also proposed providing copies of the resolution to key stakeholders, including Governor Joseph C. Cua, the Provincial Department of the Interior and Local Government (DILG) Field Office, the eleven municipalities through their respective mayors and Sangguniang Bayan, and other relevant offices.

This initiative stemmed from a privilege speech delivered by PBM Alberto, which led to its discussion during the Committee on Trade, Commerce, and Industry meeting on June 1, 2023. The representative from CALIP Cooperative testified that the market prices were not fair compared to the farm gate price of live hogs, which is only two hundred pesos.

With these findings, the SP hopes that appropriate pricing will be established as soon as possible. The aim of this step is to lighten the burden on consumers and promote fair and sustained affordability of pork prices in the market. (Kap JP/Translated by BPNEWSTEAM))

Tagalog version

SP, umaksyon laban sa pagtaas ng presyo ng baboy

Virac, Catanduanes – Bilang tugon sa mga reklamong natatanggap mula sa mga mamamayan, hinimok ng Sangguniang Panlalawigan ng Catanduanes ang mgaalkalde sa labing-isang (11) bayan sa lalawigan na harapin ang isyu sa pagtaas ng presyo ng baboy .

Ang resolusyong ay iniakda nina Provincial Board Members (PBMs) Jan Ferdinand A. Alberto at Jose Romeo R. Francisco, na naglalayong maibsan ang pasanin ng mga mamimili dulot ng biglaang pagtaas ng presyo ng baboy sa merkado.

Ayon sa mga nagrereklamong mamimili, tumataas umano ang presyo mula sa P280.00 patungo sa P320.00 bawat kilo sa hindi malamang kadahilanan.

Napag-alaman sa committee meeting na ginanap noong Hunyo 1, 2023, na ang ‘farm gate price’ ng live hogs ay umaabot lamang sa P200.00, batay sa naging pahayag ng kinatawan ng Catanduanes Cooperative ng Livestock and Poultry Agriculture Producers (CALIP).

Upang maituwid at matiyak na magiging abot-kaya ang presyo ng baboy, iminungkahi ng SP sa mga alkalde na ipatupad ang  Sec. 16 ng RA 7160, na kilala bilang Local Government Code of 1991, at Sec. 447 (a) (5) (iv) ng parehong code. Ang mga probisyong ito ay nagbibigay kapangyarihan sa mga LGU na i-regulate ang pagbebenta ng karne at iba pang basic commodities para sa pampublikong konsumo.

Binigyang diin nina  PBMs Alberto at Francisco na manguna ang mga alkalde sa mga munisipyo ang muling pagbisita, pagrepaso, at pagrebisa ng kanilang mga ordinansa sa munisipyo sa mga taripa ng baboy. Sa pamamagitan anila nito, magiging mabisa at malalabanan ang kasalukuyang labis na pagsipa ng presyo sa merkado at maibsan ang pasanin ng mga mamamayan sa kanilang nasasakupan.

Ipinanukala din ng SP na bigyan ng kopya ng resolusyon ang mga pangunahing stakeholders, kabilang na si Governor Joseph C. Cua, ang Provincial Department of the Interior and Local Government (DILG) Field Office, labing-isang munisipalidad sa pamamagitan ng kani-kanilang mga alkalde at Sangguniang Bayan, at iba pang kaukulang tanggapan.

Ang naturang hakbang ay nabuo sa ‘privilege speech’ ni PBM Alberto na naging daan upang pag-usapan ito sa pamamagitan ng Committee on Trade, Commerce and Industry noong Hunyo 1, 2023.

Sa testimonya ng kinatawan ng CALIP Cooperative nakumpirma na hindi tama ang presyo sa merkado kumpara sa farm gate price ng live hogs na umaabot lamang sa  dalawang daang piso.

Dahil sa mga natuklasang ito, umaasa ang SP na magkakaron ng tamang presyo sa mas lalong madaling panahon. Layunin din ng hakbang upang pagaanin ang pasanin ng mga mamimili at pagyamanin ang mas pantay at napapanatiling abot-kaya ang presyo ng baboy sa merkado. (Kap JP)

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.