Malapit ng maisakatuparan sa Catanduanes State University (CATSU) ang makasaysayang pagbubukas ng College of Law.

Sa isang pahayag kamakailan sa kanyang facebook, ibinahagi ni CatSU President Patrick Alain T. Azanza na malapit na ang pagbubukas ng kursong Juris Doctor o Bachelor of Laws sa lalawigan ng Catanduanes na matagal ng inaabangan.

Ayon kay Dr. Azanza, halos lahat na kinakailangang requirements ng Commission on Higher Education (CHED) at iba pang ahensya ay naayos na ng CatSU.  Kasama dito ang Mock Court Room at iba pang major requirements batay sa itinatadhana ng Supreme Court.

Subalit, ayon sa kanya, ang kulang na lamang ay ang mga kopya ng libro, partikular ang Supreme Court Reports Annotated (SCRA), upang maging kumpleto ang mga pangangailangan para sa pagbubukas ng College of Law sa CatSU.

Dahil dito, nanawagan si Dr. Azanza sa mga abugadong Catandunganon na maging bahagi ng kawanggawa para maisakatuparan ang matagal ng plano.

Kaagad namang tumugon sa panawagan ang ilang indibidual kung kaya’t ikinagalak ni Azanza angf mabilis na naging tugon upang makompleto ang requirements.

Matapos Makita ang panawagan ng opisyal, nagdonate sina Atty. Jose Cabrera at ang kanyang maybahay na si Atty. Lehua Co Lao-Cabrera ng mga volumes ng SCRA at iba’t-ibang law books para sa College of Law. Ito ay agad naman naipadala sa CatSU at nakaharap mismo ng pangulo ang nagdonate ng libro.

Hindi maipaliwanag ang galak ni Dr. Azanza kung kaya’t pinasalamatan nito ang mag-asawang Cabrera/ Aniya, malaking tulong umano ito para sa CatSU kaugnay sa patuloy na paghahanda para sa pagbubukas ng matagal ng hinihintay na College of Law ds lalawigan ng Catanduanes.

Sakaling magkaroon na ng go signal ang CHED maging ang Legal Education Board, posibleng ilunsad ang pagbubukas ng College of Law sa darating na pasukan 2024-2025. (Patrick Yutan)

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.