Napasakamay ng local Government Unit ng Catanduanes at ng sampung mga bayan sa lalawigan ang Seal of Good Housekeeping award 2023.

Sa report ng Department of Interior and Local Government (DILG), maliban sa lalawigan ng Catanduanes, pasok sa awarda ang mga bayan ng Bagamanoc, Baras, Bato, Caramoran, Gigmoto, Panganiban, San Andres, San Miguel, Viga, and Virac.

“Once again, the Provincial Government of Catanduanes clinches the Seal of Good Financial Housekeeping for Fiscal Year 2023. This distinction acknowledges Local Government Units’ adherence to accounting and auditing standards, rules, and regulations”, batay sa pahayag ng LGU Catanduanes sa kanilang facebook post.

Dahil umano sa naturang parangal, magpapatuloy umano ang LGU Catanduanes sa kanilang commitment para maging sunod sa accounting and auditing standards bilang pagpapakita ng pagiging transparent ng lalawigan.

“With this recognition as certified by the Department of the Interior and Local Government (DILG) Bureau of Local Government Supervision, the provincial government continues its commitment to upholding accounting and auditing standards, as well as fostering transparency and responsible management of public funds”, dagdag pa ng LGU.

Ang Seal of good financial ay bahagi rin ng hakbang ng DILG upang mapanatili ang pagiging responsible at pagiging sunod ng mga LGU sa ipinapatupad na accounting and auditing rules.

Samantala, tanging ang bayan ng Pandan lamang ang hindi nabigyan ng parangal dahil sa ilang kakaulangan sa criteria ng DILG. 

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.