Virac, Catanduanes โ€“ Pormal ng umupo sa pwesto ang bagong District Engineer ng Department of Public Works in Highway (DPWH) sa lalawigan ng Catanduanes.

Nitong Hunyo 3, 2025 nagkroon ng turn-over ceremony sa pagitan nina Engr. ENGR. SIMON N. ARIAS at outgoing D.E Dennis Cagomoc na nanungkulan sa loob ng isang taon.

Nangyari ang turn-over ceremony sa naturang petsa sa Regional Office ng DPWH na sinaksihan ng mga matataas na opisyal ng DPWH. Si Arias ang isa sa mga awardees na empleyado mula sa lalawigan ng Albay.

Ito na ang ikaapat na District Engineer sa lalawigan sa loob ng dalawang taon. Nitong Lunes, Hunyo 10, 2024, nagcourtesy call ang grupo ni Arias sa tanggapan ni Mayor Samuel Laynes at iba pang mga tanggapan sa lalawigan.

Bago si ย Cagomoc mula sa Visaya, dalawa ang sinundan nitong District Engineers sa katauhan nina Engineer Gil Balmadrid ng Virac at Engr. Ferdinand Joven ng Camarines sur. Ikinokonekta naman sa usapin ng pulitika sa lalawigan ang dahilan ng mabilis na regodon sa mga district engineers. (BP NewsTeam/Photo by GoShineVirac)

Advertisement