Virac, Catanduanes – Itinuturing na obstruksyon at hindi otorisado ng DILG Catanduanes na maglagay ng barikada na pansamantalang sarado sa mga barangay road na wala umanong tao na nagbabantay.

Hindi naman raw bawal ang magkaroon ng Barangay Checkpoints Enhanced Community Quarantine dahil nakakatulong umano ito para masiguro na qualified na tao talaga ang mga lalabas sa lugar.

Sa pahayag ni PD Uldarico Razal na kung maglalagay umano ng mga barikada o bara sa daan ay kailangang may nagbabantay na tao na siyang magtataas o magtatanggal sa mga barikadang ito, lalo na kung emergency.

Kailangan umanong makadaan ang mga sasakyan sa nasabing mga daanan at ang mga opisyal nang Barangay o tanod ang dapat na magbabantay sa mga nasabing daanan.

24 hours na Barangay Checkpoints ang rekomendasyon ni Razal para masiguro na otorisadong tao ang makakalabas sa kanilang Barangay at masiguro na nakapangalan mismo sa tao ang kaniyang home quarantine pass.

Sa kabilang dako ang pagpapakain ng mga Barangay Officials kung saan may mga binibigay na meal stubs ay hindi bawal basta masunod ang social distancing at guidelines nang DOH. (PATRICK YUTAN)

Advertisement