Caramoran, Catanduanes – Natagpuang wala ng buhay ang isang lola sa bayag matapos magbigti gamit ang isang tali sa leeg at nakalambitin.

            Ang biktima ay kinilalang si Josefa Endrina, tubong Montaneza, bayan ng Malaboyoc, Cebu at pansamantalang nakatira sa Brgy. Mabini, Caramoran, Catanduanes.

            Ayon sa mga residente, nagtampo umano si Lola dahil sinabihan umano na doon muna tumira sa anak na may trabaho. Ayaw umano ng nasabing lola at labis  itong dinamdam  dahil tila ipinagtatabuyan siya ng kanyang kasama sa bahay.

            Sa ngayon, patuloy pang iniimbestigahan ng Caramoran MPS ang tunay na ugat ng sa nasabing insidente. (Patrick Yutan)

Advertisement