The world's longest continuous sidewalk, Bayshore Boulevard in Tampa, Florida, along Tampa Bay and is 4.5 miles (7.2 km) long and is used for hiking, jogging, walking, fishing and big events.

Hindi na hinintay pa ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang itinakdang deadline para sa validation sa road clearing operation sa bawat munisipyo, probinsya at barangay upang makapagbigay ng report direkta sa Regional Office.

          Ayon kay Mr. William Aldea ng DILG Catanduanes, nakapagsumite kaagad bago pa man ang deadline ang inspection team dahil dadaan pa ito sa regional office hanggang sa central office para sa final assessment ng ahensya.

          Sa initial na assessment, halos lahat umanong mga munisipyo at barangay ay pasado sa validation at umaasa umano silang ganito rin ang magiging impression para sa final stage ng evaluation ng central.

          Ayon kay Aldea, malaking hamon sa local na gobyerno ang road clearing program dahil kailangan ng mga ito na mapanatiling maayos at nagagamit ng publiko ang kalsada na naaayon sa panawagan ng kasalukuyang administrasyon.

          Samantala, ayon naman kay Regional Director Anthony Nuyda ng DILG Regional office, maliban sa kanilang tanggapan, dadaan pa sa central office para sa huling validation ng road clearing sa pamamagitan ng mga dokumento na isinumite ng LGU’s kagaya ng ordinansa, pictures at marami pang ibang ebidensya.

          Inaasahang ngayong buwan ng Marso maipapalabas ng Central Office ang magiging resulta sa validation ng mga LGU sa rehiyon.

Advertisement