via PLGU infographics

Virac, Catanduanes – Isa ang Provincial Local Government Unit (PLGU) Catanduanes sa tatlong mga lalawigan sa Bicol Region ang kinilala ng Department of Interior and Local Government (DILG) at ng Local Governance Regional Resource Center (LGRRC) Bicol Region bilang 2021 Good Financial Housekeeping sa rehiyon.

Bukod sa lalawigan ng Catanduanes kasama sa kinilala ang mga lalawigan ng Albay at ang Camarines Norte. Ang pagkilalang ito ng DILG ay iginagawad sa mga Local Government Units (LGUs) na nagpapakita ng good performance pagdating sa financial transparency.

Samantala, kapwa ikinalugod naman ng siyam (9) na alkalde maging mga kawani ng mga LGUs matapos mapasama ang kanilang mga bayan sa kaparehong parangal.

Napabilang sa mga ito ay ang mga bayan ng Bagamanoc, Baras, Bato, Caramoran, Gigmoto, San Andres, San Miguel, Viga at  capitown town Virac.

Pinagbasehan ng pagkilala ay ang findings o  opinion ng Commission on Audit (COA) bilang pagsunod sa Full Disclosure Policy of Local Budget and Finances, Bids and Public Offerings. Kasali rin ditto ang Annual Budget, Statement of Receipts and Expenditures, Annual Procurement Plan o Procurement List, Bid Results on Civil Works and Goods and Services and Consulting Services.

Binati naman ni gobernador Joseph Cua ang mga kawani ng kapitolyo maging ang mga local government units sa lalawigan na nabigyan ng parangal. Aniya, ang naturang pagkilala ay isang patunay lamang sa pagiging transparent at responsable ng bawat Local Government Unit (LGU) sa paggastos ng kani-kanilang mga pondo.

Dalawa lamang mula sa labing isang bayan sa lalawigan ng Catanduanes ang bigong mapasama sa listahan ng DILG. Ito ay ang mga bayan ng Pandan at Panganiban. (Carl Buenafe)

Advertisement