Nagugulumihanan at hindi malaman ng ilang mga nakikinig sa Radyo Peryodiko kung sino ang papaniwalaan sa dalawang nag-uumpugang bato sa pagitan nina Atty. Oliver Rodulfo at Atty. Posoy Sarmiento hinggil sa usapin ng bidding at mga kontrata ng proyekto sa lalawigan ng Catanduanes na naka-angkla sa DPWH..hikhikhihkikhik!

Ang sagot kasi ng tagapagsalita ni kongresman Leo Rodriguez na si Atty. Posoy Sarmiento, ang umaangal umano ngayong kontraktor ay yaong busog na busog noong nakalipas na administrasyon..hikhihikhik! Ayon sa ilan, oo nga, Eh nagbago na nga ang ihip ng hangin at nais pa rin ng mga dating kontraktor na sila pa rin ang angat buhay sa iba..hikhikhikhik! Ano ka hello? Hikhikhik!

Ayon sa isang kontraktor na tila excited makatikim  ng fruit of his labor matapos mapanalo nila ang solon. Tila naging laki sa layaw na kasi ang mga kontraktor na ito na sandamukal  ang kanilang kontratang nako-corner at gusto pati ba naman ngayon sila parin..hikhikhikhik! Nakikita Seguro nila na tila mawawalan sila ng hanepbuhay kaya’t, merong trumpeta sila na sinasabing meron din palang kontrata..hikhikhikhik!

Pero, merong ibang sagot ngayon si Atty. Rodulfo, sa katunayan, naka-corner umano ng mga patrabaho noong wala pa sa pwesto ang kongresista ay ang kompanya nito dahil mahilig di umano manisid at  tila, maswerte umano ito sa mga bidding..hikhikhikhikikK!

Gaano kaya katotoo  ang sinabi ni Atty. Posoy na 35% ng mga proyekto noong nakalipas na opisyal napunta sa 2-3 contractors lamang na sinasabing most favorite kontratista vhikhikhikhikhik!

Samantala, sa issue hinggil sa sinasabing nilipat na pondo sa region sa halip na sa Catanduanes, wala umanong katotohanan, ayon kay Sarmiento, dahil katunayan merong 3 bilyong worth of projects ang kongresman ngayong 2023. Ayon kay Sarmiento, malaki umanong effort ang ginawa ng kongresista para maisakatuparan ang halaga para sa 2023.

Kaya nga lamang, bago pa man makabuwelo ang kongresista, meron nang bantang “recall” election si Atty. Rodulfo laban kay Rodriguez dahil wala umanong nagagawa..hikhikhikhikhik! Ang recall kasi, parang impeachment laban sa nakaupong opisyal.

Ang tanong, kakayanin ba ng grupo ni abogado Rodulfo na himukin ang maraming Catandunganon na bawiin ang tiwalang ipinagkaloob nitong nakalipas na halalan, eh, isang taon palang naman ang nakalilipas tila atat, na atat na kaagad, hikhikhikhik!

That remain to be seen, pero walang imposible dahil pwede ito sa pamamagitan ng mga legislators o local officials o number of voters sa islang kayganda? Kapag napaganda ang diskarte sa mga botante at nakakuha ng numero, meaning magkakaroon ng special election sa islang kayganda? Yahoohhh, swerte ng mga purok leaders..hikhiihikhikik!

Kaya nga lamang, papano kung manalong muli si Rodriguez? Sino naman kaya ang magiging pambato ni Atty. Rodulfo and company? Hikhihikhik! Abangan ang susunod na kabanata mga kaperyodiko!

In fairness, tila too early to tell na walang nagawa ang kongresista dahil lamang sa kontrata..hikhikhikik! Tila nakikita naman na visible ang kongresista sa isla at mahahalagang okasyon. Pinupuntahan di umano ang mga nasa laylayan at nagsasagawa pa ng ilang aktibidad kagaya ng mobile passporting at iba pang okasyon?

Magandang panoorin  at pakinggan ang ganitong mga eksena sa mga susunod na araw at kung matuloy ang recall election…hikhikhikik! Tila babaha naman ng monies..hikhikhihik!

Sa kabila nito, meron ding positibong epekto ang expose ni sir abogado Rodulfo para maiwasan din ng kongresista na magsemplang sa kanyang trabaho..hikhikkhikhik! Atleast ang feedback mechanism makakatulong upang mas pang pag-ibayuhin ng kongresista ang kanyang trabaho, or else, merong mata at CCTV na nakatingin sa kanya sa katauhan ng kanyang kababayang alisto na si Atty. Oliver Rodulfo..hikhikhikhikhik!

Ang bottom-line ng kontrobersiya sa islang kayganda ay ang kontrata..hikhikhkhikhik! May pera sa kontrata..hikhikhikhikhik!

Advertisement