Ulat ni Jeffrey Guerrero
Pandan, Catanduanes- Napasakamay ng otoridad ang mga mangingisda na nagsasagwa ng illegal fishing sa bayan sa Brgy. San Andres ng bayang ito bandang 2:30 ng hapon noong ika-13 ng Nobyembre, 2017.
Sa pinasanib pwersa ng Pandan Municipal Police Station sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Senior Inspector Christian Brual, mga elemento ng Philippine Coast Guard (PCG) na nakabase sa nasabing munisipyo, Bureau Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng Pandan at ng Provincial Special Operation Team, nahuli ang mga nasabing mangingisda.
Sa ulat ng Pandan MPS, habang ngasasagawa umano ang pulisya ng seaborne patrol sa loob ng Pandan territorial seawater, napansin umano nito ang isang kahinahinalang motorized banca na dumaan sa lugar. Agad umanong nilapitan ito ng otoridad at laking gulat na lamang umano nito ng tumambad sa kanila ang bangka na puno ng tangke ng de-makinang compressor na napag-alamang pagmamay-ari nina Sonny B. Talion, 34 y/o, Jonel S. Advincula, 25 y/o, at Melvin B. Talion, 26 y/o, pawang mga residente ng Brgy. Dariao, Caramoran, Catanduanes.
Kaugnay nito, wala umanong maipakitang legal na dokumento ang naturang grupo ng mangisngisda dahlia upang hulihin ito. Natagpuan ng pulisya sa nasabing bangka ang mga illegal fishing equipment; isang (1) piraso ng tangke ng compressor, dalawang (2) piraso ng diving mask, dalawang (2) piraso ng spear gun, apat (4) na piraso ng flipper, isang (1) piraso ng compressor engine, isang (1) piraso ng ehe na may elisi, isang (1) piraso ng motor engine at may umaabot sa dalawampu’t limang (25) metro ng compressor suction.
Kasunod nito, agad inaresto ang mga suspek at binasahan ng kanilang constitutional rights. Dinala ang mga ito sa Pandan District Hospital para sa medikal na eksaminasyon. Inaasahan naman isasampa na ang kaso matapos itong dalhin sa police station at mai-turn over sa kinauukulan ang mga nakumpiskang illegal fishing equipment para sa tamang disposisyon.