Bato, Catanduanes – Kinilala bilang 3rd BEST LGU (In Infrastructure Pillar) sa isinagawang 2021 Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI) NATIONWIDE ranking ang lokal na pamahalaan ng Bato.


Personal na tinanggap nina Mayor Juan Rodulfo, MPDC/CMCI LGU Focal Person Engr. Franklin Toledana ang parangal na ginanap sa Alicia Hotel, Legazpi City.


Ang plaque of Recognition ay iginawad sa pamamagitan ng DTI Competitiveness Bureau na kinatawan ni Assistant Director Jo-Dann Darong at DTI Region 5 sa pangunguna ni Regional Director Rodrigo Aguilar at OIC Assistant Regional Director Heginio Baldano kasama si DTI Provincial Director Maria Belma Q. Escueta. Maliban sa LGU Bato, naging awardees din ang mga lungsod ng Legazpi at LGU Naga City

“The Cities and Municipalities Competitiveness Index is an annual ranking of Philippine cities and municipalities developed by the National Competitiveness Council through the Regional Competitiveness Committees (RCCs) with the assistance of the United States Agency for International Development.”, ayon sa DTI region 5.


“Cities and municipalities are ranked on their competitiveness based on an overall competitiveness score. The overall competitiveness score is the sum of scores on three main pillars which pool data from several sub-indicators”, sa post ng DTI.

Kasama sa mga criteria ang 3 main pillars: Economic dynamism, Government efficiency and infrastructure. Scores are determined by the values of the actual data, as well as the completeness of the submitted data. The higher the score of a city or municipality, the more competitive it is.”


Sa panayam ng Radyo Peryodiko, ikinagalak ni Mayor Johnny Rodulfo ang naturang parangal. Mula aniya sa dating 6th placer noong isang taon tumaas sila sa 3rd place ngayong taon. Dahil dito, nais nilang malampasan pa ang naturang award o kaya makuha ang 1st place sa susunod na taon. (FB)

Advertisement