CARAMORAN, CATANDUANES – Patay na nang dalhin sa himpilan ng pulisya ang isang dalaga mula sa barangay Obi sa bayang ito matapos ng isang karumal-dumal na krimen.

Hinalay bago pinatay ang biktima na kinilalang si Sheena Joy Zuniega, 24 ng nasabing barangay samantalang ang suspek ang nakilalang si Jonel Solero, 19 anyos na sinasabing parehong pag-aabaka ang hanapbuhay.

Sa panayam ng Radyo Peryodiko kay Senior Inspector Allan Ocfemia ng Caramoran Police, halos basag umano ang bungo ng biktima at may tama rin ng saksak sa tagiliran. Halos, wala na rin umanong saplot na undergarment nang matagpuan ang bangkay nito sa pinangyarihan ng insidente.

Sa imbestigasyon ng PNP Caramoran, isinalaysay umano ng saksi na si Melvin Solmiano na dakong ikapito at kalahati ng gabi noong Pebrero 4 nang mag-inuman umano sa kanyang tahanan ang kanyang mga kapitbahay na sina Jimboy de Quiros, Mark Philip Lucero at Joseph Tuquero. Dakong alas nuwebe ng gabi umano nang dumating sa inuman ang biktima kasama ang suspek.

Dahil napasarap ang inuman, halos lampas na ikasampu ng gabi nagpaalam at umalis sa inuman sina Zuniega at Solero. Dakong ala-una noong Pebrero 5 kinaumagahan nang magtungo ang suspek sa bahay ni De Quiros at doon umano nakitulog. Samantala, dakong tanghali ng araw ding iyon nang magulantang ang buong barangay ng Obi nang matagpuan ang bangkay ni Sheena Joy sa tapat ng nipa hut na umano’y pagmamay-ari ng pamilya ng suspek na si Solero.

Samantala, boluntaryo namang sumuko ang suspek sa mga otoridad. Mismong inamin umano nito na siya ang nasa likod ng pagpatay sa biktima. Tahasan inamin umano ng suspek ang panggagahasa at pagpatay kay Zuniega. Dagdag ni Solero, wala umano siya sa sarili nang gawin ang krimen kaya iminungkahi rin ng Health Office ng Caramoran na isailalim ito sa drug test dahil baka nasa impluwensiya rin ng ipinagbabawal na gamot ang lalaki. Isinailalim naman sa inquest proceedings ang suspek sa kasong (RAMIL SOLIVERES)

Advertisement