NAGA CITY- Kasabay ng pagbuhos ng ulan, bumuhos din noong Setyembre 11  ng gabi ang mga tao  mula pa sa iba’t ibang bahagi ng Bicol sa isinagawang coronation night ng Miss Bicolandia 2019 sa Jesse M. Robredo Coliseum, Naga City.

Ipinakita ng 19 Bicolana beauties ang kanilang natatanging ganda at talino sa production number pa lamang hanggang sa question and answer portion.

Wala namang mapagsidlan ng kaligayahan ang Nagueña beauty si Paulina Labayo matapos maiuwi nito ang Miss Bicolandia 2019 crown.

Kinilala naman bilang First Runner up si Rein Hillary Carrascal ng Sorsogon; Second runner-up si Rheema A Adakkoden ng Camarines Sur; Third runner-up si Vanessa Mae G. Buitre ng Legazpi City, at Fourth Runner-up naman si Danica Theresa Sheen P. Dilla mula sa Iriga City.

Samantala,nagin star studded naman ang naturang aktibidad dahil kina third runner-up Miss Universe 2011 Shamcey Supsup-Lee, 1st runner-up Miss Grand International 2016 Nicole Cordoves at Robi Domingo na nagsilbing host sa nasabing event.

Maliban dito, pinakilig naman ng aktor na si Gab Lagman ang mga kandidata at nanunuod sa kanyang kantang “Ikaw lang ang aking Mahal” at ang dance performance ng Asia’s Got Talent Finalist Junior New System na nagbigay aliw sa mga tao.

Ang Miss Bicolandia, ang taunang ginagawa bilang bahagi ng Penafrancia Festival kung saan kasama sa mga produkto nito ang mga international beauty queens na sina Venuz Raj, Dianne Necio, Elaine Kay Moll, Yvette Marie Santiago at Melody Gersbach.

Sa ngayon, nananatili na sa kustodiya ng mga otoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.  (Bombo Naga News Team)

Advertisement