Virac, Catanduanes – Pormal ng pinasinayaan ng lokal na pamahalaan ng Virac ang isang Virac Loves Me marker.

                Isinabay ang  pagpapasinaya sa pagbubukas ng Christmas Cheers at lighting of Christmas tree noong Disyembre 16 sa Plaza Rizal.

                Pinangunahan nina Mayor Posoy Sarmiento at Vice mayor Arlynn Arcilla ang naturang aktibidad

            Ayon kay Tourism Officer designate Ferdie Ocol, ang Virac Loves Me icon umano  ay isa sa 4 na ilalagay na markers sa iba pang strategic points ng capital town. Magiging bahagi umano ito ng motivation ng lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Posoy para sa pagtupad ng mga programa at proyekto pabor sa mga mamamayan.  

            Isa rin umano itong manipestasyon nin tunay na serbisyo ng lokal na pamahalaan.

            Sa programang “Arangkada Virac” noong Disyembre 28, inilahad ni Ocol ang mga nakaplanong programa ng lokal na pamahalaan para sa eco-tourism. Kasali umano sa inaasahang mabubuksan ay ang fish Santuary sa barangay Batag na isa sa tinuturing na potential bilang international tourist destination dahil sa napreserbang karagatan.

            Dahil sa mantra ng Virac na sinisimbulo ng bulaklak, sinimulan na umano nila ang pagtatanim at pagsasaayos ng mga flowering plants sa tapat ng kapitolyo, patungo sa JMA building maging sa mga Plaza Rizal.

            Isa sa goal umano nila ngayon 2020 ay maiakatuparan ang tourism code maging iba pang hakbang upang maging mapalago ang eco-tourism sa  bayan ng Virac.

            Nanawagan ito sa mga pribadong sektor na makiisa para mapalago ang tourist destination sa mga liblib na lugar. Inaasahan umanong aarangkada ang turismo sa bayan ng Virac sa mga susunod na taon dahil meron na silang mga programang naka-abang at mapupunduhan ngayong mga susunod na taon.  (James Malbarosa)

Advertisement