Bagamanoc, Catanduanes – Negatibo na si patient 87 ng Bagamanoc sa kanyang ikalawang swab test. Sa inilabas na tracker ng Provincial Health Office, kinumpirma ang negative result ng patient 87 na isang ofw na naging positibo sa swab test nitongHunyo 18.

Ayon kay Dra. Anabel Pelagio ng RHU Bagamanoc, halos sa buong duration ng pananatili nito sa facility ay asyntomatic ito. Kinumpirma ni Dr. Pelagio na batay sa recovery and discharge criteria ng dept. of health, recovered na umano ito.

Kaugnay nito, kahapon, pormal ng inilabas sa kanyang quarantine facility si patient 87. Matatandaang, na quarantine ito simula Hunyo 1 hanggang Hulyo 6.

Advertisement
Please enable JavaScript to view comments powered by Disqus.