Maraming mga estudyante ang nagkukumahog na makahanap ng signal kahit sa mga liblib na lugar. Pahirapan kasi ang online schooling ng ilang estudyante sa kolehiyo lalo na ang mga itong nasa malalayong lugar at kakarampot ang nasasagap na signal ng globe at smart.

Ang Sistema, umaakyat pa sa mga bulubunduking lugar ang mga estudyante. Ang iba naman, nagtayo na ng tent sa mga masukal na lugar dahil nga stable ang signal doon.

Komento ng ilang magulang ano kaya ang magiging pananagutan ng mga paaralan sakaling matuklaw ng ahas ang mga estudyante o maaksidente habang naglalakad o bumabyahe ang mga ito mula sa kanilang barangay patungo sa signal sites?

Dapat sana, makita ito ng ating mga local officials. Pwede silang makatulong sa mga estudyante sa pamamagitan ng pagprovide ng signal booster o di kaya, magrequest sila sa mismong globe at smart na magpatayo sa kanila.

Total, kumikita sila sa naturang mga estudyante dahil nagloload din ang mga ito. Harinaway maisipan ito ng mga alkalde ng Gigmoto, Pandan at Caramoran na siyang maraming nakikitang mga estudyante na naka-squat sa mga national highways para lamang makakuha ng signal.

**********

Nais umanong pangalanang “Virac Boulevard” ang kasalukuyang Imelda Boulevard. OO nga naman ano? Sino nga bang Imelda ang tinutukoy sa naturang lugar. Eh wala namang apilyedo. Baka nga kay dating first lady Imelda Marcos ipinangalan yan para makakuha ng pondo sa patrabaho ng sea wall noong Marcos time?

Maganda ang panukala ni councilor Rosie Olarte dahil isa ngang parke ang lugar at madalas itong tambayan ng mga masing-irog maging mga magkakaibigan at magkakapamilya, kapuso at Kaperyodiko.hikhikhik!

Suwestyon ko, dahil kadalasan marami akong mga nakikitang nagloloving-loving dyan, Marami na ring kwento ng pag-ibig sa naturang lugar,  eh baka naman pwedeng pangalanan itong  “Magdalena Boulevard” hikhikhikhik! Hango sa kanta ni ka Freddie Aguilar na “Magdalena” ..hikhikhikhik!

Medyo nakakasawa na rin kasi ang pangalang boulevard, pwede ring bigyan ng ibang pangalan na medyo socie ang dating kagaya ng “ Virac Happy Bay”, Virac Seafront street”, “Virac Seafront”.

Pwede namang “ Virac Breakwater”. Ang kwento ng break water kasi, marami na di umanong na-break-in sa naturang lugar…hikhikhikhik! Marami na rin umanong nagka-break na magsing-irog dahil sa naturang lugar..hikhikhikhik!

Eh para maging kalmado na yong mga kumontra sa pag-extend ng naturang site, pwede namang pangalanan bilang alaala, “Virac Salbaron Bay” ..hikhikhikhik! Pwede namang, “Virac Bay-bayon Salvaron”..hikhikhik!

SA tingin ko tatahimik na ang mga nag-alsa sa patrabaho dyan laban ki dating kongresista Cesar Sarmiento dahil sa pangalan palang maaalala mo kaya sila..hikhikhikhikhik!

Pero kung nasa pwesto pa si dating kongresman Sarmiento, posibleng ang ipapangalan diyan “ Catanduanes Sea port” (CS).. hikhikhikhik!

Pero, baka merong suwestyon din si kongresman Hector Sanchez na siya ngayong may say sa patrabaho diyan? Ang suwestyon ng kanyang kapanalig“Honestong Searbidor Bay ” (HS) ..hikhikhikhik! Meron pang isa, Honestong Sea port (HS)..hikhikhik! Pero ito ang mas matindi na akma kay Cong Hec. “Honest Seaside” (HSS). Para wala na diyang mabibigo. Pero kung si gobernador Cua ang tatanungin, meron din siyang swestyon diyan “Happy Island Seaport” para laging masaya ang mga namamasyal sa naturang lugar..hikhikhik!

Eh ano naman kaya ang pwedeng i-suggest ni Mayor Posoy Sarmiento? Ang sabi ni Mr. Pakto, pwede na diyan ang “Silenciong Bay-bayon” ..hikhikhikhikhik!

Kita kitzz sa Mcdo at Jollibee Kaperyodiko!

Advertisement