Wagi si Presidential spokieperson este spokesperon Harry Roque sa panlasa ni Presidente Rodrigo Duterte matapos iaanunsyo kamakailan sa kanyang talk to the people na isa nalang ang magpapalabas ng pahayag hinggil sa West Philippine Sea. Ito ay walang iba kundi ang tagapagsalita niya at hindi ang mga ka-lihim..hikhikhik!
Tama nga naman, dapat ang mga kalihim ay lihim lamang ang trabaho at hindi ang maingay sa so social media..hikhikhik!
Sino naman kaya ang talunan dito? Siyembre si Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin na una nang bumara kay Roque na siya lang umano ang dapat nagbibigay ng statement hinggil sa foreign affairs at hindi si Roque.hikhikhikhik!
Tila isang malaking sampal ito kay Locsin at hindi ako magtataka na posibleng sa susunod na mga buwan tatalon na lamang ito sa kanyang pwesto..hikhikhihik!
Pero, maganda rin ang ginawa ng pangulo dahil tutok to win na lamang ang mga manonood at hindi yong maraming asungot na nagsasalita, kayat sila-sila magulo kung ano ba talaga kuya ang totoong stand natin. Ipapamigay na ba ni Tatay Digong ang ating exclusive economic zone o ibebenta? Hikhikhik! Read between his lips..hikhikhihik!
Ilang heneral ngayon ang rumereact sa confusing statements ng Malakanyang, sabayan pa ng isang dating senate president na tila ulyanin na rin kaya’t iba-iba ang kanyang advice kay Pinoy at kay Digong..hikhikhik!
Pero, sabi ni senator Gathialian, very sharp mind pa magsalita si Enrile. Kung malakas at wala ng sakit si Enrile dapat ibalik na siya sa kulungan dahil nakapiyansa lamang ito bilang kunsiderasyon sa kanyang sa edad at sa health situation ..hikhikhikhik!
*******
Ayon sa isang health personnel, napakarami ng spreader of covid sa Catanduanes. Kaya pala halos inaaraw-araw tayo simula nitong Mayo 17 hanggang 21..hikhikhik! Sa report ng PHO nitong Mayo 21, sobra pa sa isang daan ang hinihintay na swab sample kaya’t inaasahan pa ang pagdami ng kaso sa mga susunod na araw.
Ang tanong meron na bang naiisip na epektibong solution ang ating mga think tankers sa isla? Eh, doble kayod tayo nito dahil pataas ng pataas ang mga kaso at tila nakikipaghabulan sa vaccination rollout ang mga nagiging positibo…hikhihikhik
Maganda na sana itong ginagawang paghihigpit sa border ng LGU Catanduanes, kaya nga lamang tila maraming pasaway. Ang humigit isang daang dumagsa nitong Mayo 19 sa Tabaco port, karamihan pala sa mga ito ay binitbit ng mga kolurom na van mula sa Metro Manila.
Gaano katotoo na tila nagkabayaran sa mga border control, kaya’t nakalusot ang mga van na ito..hikhikhikhik! Kasi nga, kung talaga umanong seryuso ang mga taga LTO na siyang nagbabantay sa lugar, eh sure na walang makakapasok, eh bakit nga merong mga nakapasok? Mga boroder control pala ang mga nakatalaga sa lugar..hikhikhikhik!
KITA KITS MGA KAPERYODIKO!
**********