Tumanggap ng “Gratuity Pay” ang mga Contract of Service at Job Order employees ng LGU-San Andres at LGU Virac Catanduanes matapos na matanggap ng lokal na pamahalaan ang Administrative Order No. 461 mula sa National Government.

Sa ilalim ng nasabing A.O, ipinag-uutos na mabigyan ng P5,000 halaga ng bayad ang mga COS at JO workers na nagtrabaho ng dalawa hanggang apat na buwan bago ang pagsapit ng December 15, 2021.

Matapos na matanggap ang nasabing kautusan, agad namang minandohan ni mayor Peter Cua at Mayor Posoy Sarmiento ang kanilang Municipal Budget Officer na maglabas ng pondo para ibigay sa mga nasabing empleyado.

Matatandaang ang A.O No. 461 o kilala rin bilang “Authorizing the grant of Gratuity Pay to Contract Of Service (COS) and Job Order (JO) workers in government for fiscal year 2021” ay ipinag-utos ng kasalukuyang administrasyon na nilagdaan naman ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

Una nang nabigyan noong Disyembre ang mga regular employees na nagkakahalaga ng 10,000.

Advertisement