Virac, Catanduanes – Umaabot sa 90 na mga paaralan sa elementarya at sekondarya sa lalawigan ng Catanduanes ang unang sasabak sa  face to face classes.

            Itoy matapos ibaba na nang COVID-19 Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases Resolutions ang Bicol Region sa level 2 classification samantalang nasa level 1 na ang Catanduanes at Naga City simula Marso 1-15, 2022.

            Sa panayam ng Radyo Peryodiko (BPfm87.9), sinabi ni Division Schools Supt. Susan Collano na nitong Marso 1 nagsimula na ang klase sa Cabuyoan Elementary School at 3 pribadong paaralan samantalang sa Marso 7 naman magsisimula ang 87 na mga paaralan sa iba pang lugar sa lalawigan.

            Matatandaang, ilang beses nang nasuspendi ang implementasyon ng face to face classes sa rehiyon matapos itaas sa level 4 classification ang rehiyon dahil sa sa mga kaso ng delta maging omicron covid-19 variants.

            Ayon kay Supt. Collano, handa na ang mga paaralan maging mga guro sa face to face matapos maisalalim na sa pagsusuri ang ito na nagsumite ng kanilang application sa DepEd.

            Sa kabila nito binigyang diin ni Collano na magiging blended learning pa rin ang magiging sistema ng classes para malimitahan ang exposure at maiwasan ang posibleng pagkalat ng virus.

Sa kabila umano ng pagbaba sa classification kailangan ang mahigpit na pag-obserba sa minimum health protocols para maiwasang madagdagan pa ang bumababa ng kaso ng covid-19 sa lalawigan. (FB)

Advertisement