Nilinaw ng Commission on Elections (COMELEC) Bicol ang pamantayan sa pagpapatupad ng operasyon “Oplan Baklas” sa rehiyon.

Ayon kay COMELEC Regional Director (RED) Atty. Rafael Olaño na tatanggalin ang campaign paraphernalia na nakalagay sa mga pampublikong lugar na hindi sumunod sa itinakdang pamantayan na komisyon ukol dito. Tatanggalin din ang mga nakapaskil sa mga kahoy.

Aniya, tanging mga campaign posters na may sukat na 2ft by 3ft lamang ang papayagang maipaskil sa mga itinalagang common poster areas na itinalaga ng mga election officers.

Samantala, papayagan naman ang mga taga-suporta ng mga kandidato na ipaskil sa kanilang mga bahay at mga private property ang naturang mga posters basta’t sumusunod ito sa tamang sukat na itinakda ng kagawaran.

Matatandaang, nagpalabas ang Korte Suprema na temporary restraining order (TRO) kamakailan na inuutusan ang tanggapan na huwag munang ipatupad ang pagbabaklas ng mga campaign paraphernalia, poster, billboards na naka lagay sa private property habang wala pang pinal na desisyon sa inihaing petition sa korte.

Dagdag pa ng opisyal, kung funded ng private individual ang campaign poster mapa lokal man o nasyunal na kandidato, hindi ito babaklasin ayon sa kautusan ng korte suprema.

Ayon kay Atty. Maico Julia ng Comelec Virac, itinakda sa Abril 8 ng Provincial Comelec ang simultaneous “Operation Baklas” sa buong lalawigan ng Cagtanduanes. Papangunahan umano ito ng Comelec province hanggang sa mga munisiplyo.

Ang mga tauhan ng Comelec kasama ang mga deputized agencies kagaya ng PNP at army ang mangunguna para sa pagdismatle ng mga unnecessary posters sa hindi designated areas.

Dagdag pa ni Atty.  Julia, gayong Abril din ipapamahagi ng ang voter’s information sheet, kung saan nakalagay dito ang impormasyon hinggil sa precinct na bobotohan at mga pangalan ng mga kandidato.

Advertisement