Maraming naging interesado sa isinagawang “Diskutiran” sa CATSU nitong Abril 19. Tila mas maganda pa ang naturang forum sa ginawang Comelec Debate sa Presidential at Vice Presidential nitong nakaraang buwan..hikhikhikhikik!

Merong portion ding nagkaroon ng sagutan ang mga kandidato, kaya nga lamang, tila limitado sa isa o dalawang questions laang..hikhihhihik! Maganda sana kung mas mahaba ang oras ng sagutan para challenging at very interesting.

Dito kasi, malalaman mo kung bakit gusto ng isang kandidatong i-challenge ang isang incumbent at kung bakit siya lumaban etc. Yong iba, hindi  nagkwestyon kasi ang punto ng mga ito para hindi rin sila mabigyan ng mabigat na tanong..hikhihihikhik!

Dapat, inobliga ang mga itong magtanong sa bawat isa ng hindi bababa sa limang tanong..hikhihihik! Dito magkaka-alaman kung sino ang palaban at merong alam..hikhihihikhik!

Observations, tila hindi tama na sasagutin mo sa closing remarks ang tanong ng katunggali, kung saan hindi na magkakaroon ng kalinawan ang magiging sagot ng bawat isa. Bitin sa Hawten..hikhikhihihik! Sana dagdagan ang portion na ito sa provincial debates.

********

Naging interesado ako sa pagka-kongresista. Sa naturang event, binuking ng ilang kandidato ang kanilang sarili hinggil sa kanilang buhay may-asawa.. hikhihihihik!

Ayon sa isang congressional candidate, ayaw niya sa divorce dahil mahal niya ang kanyang asawa, kahit na meron siyang mga chicks..hikhikhihihih! Sabi niya, aminin nating mga lalaki na talagang akitin tayo ng chicks..hikhikhihhik! Hoy, Cong, Okay naman kung lumantad ka, kaya lang, eh maganda bang ehemplo yan sa mga may murang isipan pa? Dapat meron yong parental guidance, remember, mga estudyante ang karamihang nanoond.  Tila, proud  pa siya sa pagiging chicks hunter ng aspirante ..hikhihihihik!

Ang ibig sabihin niyan, okay lang saiyo na mangaliwa habang ang asawa mo eh pumipikit lang sayong bisyo? Honest ka nga, pero nanloko ka naman? Hikhikhihihik! Okay kalang future honorable? Hikhikhihikhik! Hinay lang sa Hawten..hikhikhihik!

 Ang isa naman, separated umano, subalit ayaw niya rin sa divorce..hikhihihik! Anong logic? Eh, hiwalay sa asawa, pero ayaw sa divorce, eh, ibig bang sabihin, okey lang makipagrelasyon sa iba, di ba kung separated ka, Bakit hindi ibalik sa hawten..Hikhikihihik!

********

Gusto ko rin ang portion na nagkasagutan sina incumbent Joseph Cua at challenger VG Shirley Abundo. Tila nga palaban ang bise gobernador.Kinuwestyon kasi nito kung bakit ganun pa rin ang problema ng EBMC at kung bakit sa kabila ng sampung taon na ang EBMC sa pagiging economic enterprise, pero pareho pa rin ang problema sa manpower at gamut etc?

Ang sagot ng gobernador, noong natalo siya tila delay ang sweldo at naging maayos din naman sa kanyang pagbabalik. Ang solusyon niya umano ay expansion para ma-accommodate ang dumaraming pasyente.

Tinanong naman ni incumbent Cua kay VG kung bakit hindi nagawa nito ang kanyang mga sinabing plataporma, lalo na ang pagiging transparency noong umupo ito bilang acting governor. Tila mainit na sinagot ng challenger na hindi siya makabwelo noong acting siya kasi nga, alam niyang babalik pa ito sa serbisyo. One time umano merong siyang ginawa, subalit nagalit ang gobernador..hikhihihihik! Ano kaya yon? hikhikhihikhik!

Aniya, kung siya lamang ang masusunod, gagawin niya ang lahat upang mapaganda ang takbo ng pamamahala dahil napakarami umanong mga mamamayan ang nangangailangan ng tulong lalo na mga social services, subalit iba umano ang prayoridad ng kasalukuyang administrasyon. More on tulong umano sa tao ang kanyang tututukan, kasali na ang healthcare services, livelihood, turismo at iba pa.

Kanya umanong lilinisin ang kapitolyo sakaling mahalal sa pwesto..hikhihihihihik! Abah, tila magiging matindi ang follow-up nito sa isasagawang provincial debate sa Abril 29. Abangan.

In fairness, very practical naman ang pamamaraan ng governance ng kasalukuyang gobernador. Gusto niya ang instant at hindi masyadong mahabang proseso, Kaya’t ayon sa ating bubuwit, sakaling merong mga immediate needs ang mga nagtutungo sa kapitolyo, outright na natutulungan, mabilis pa sa alas 4. Kaya nga lamang, karamihan yaong merong mga ID lamang..hikhikhihihik!

Kung unidentified flying object (UFO) ka, kailangan mong meron kang kasamang merong ID. May ganun? Baka pwede tayo makahingi ng ID diyan..hikhihihihikh! Totoo ba ito little gob? hikhikhihkikhik!

************

Sa issue hinggil sa political dynasty na nirereklamo ng dalawang aspiranteng bise gobernador, sinabi ni Gob. Cua na hindi umano mangyayari na mamanipulahin nila ang transaction sa kapitolyo sakaling manalo silang dalawa. Alam niya umano ang ugali ng kanyang kapatid na si Mayor Boste Cua dahil hindi umano nito isasakripisyo ang reputasyon para sa pansariling interes.

Ang himutok ng dalawang apsirante na sina PBM Natalio Popa at Atty. Rodel Abichuela na nanganganib umano ang political dynasty sa isla na iikot na lamang sa iisang pamilya lalo na sa magkapatid ang pamamahala sa kapitolyo sakaling maluklok ang mga ito..hikhikhihkhik!

Ang tanong diyan mga kaperyodiko, ready na kaya ang islang kayganda na hawakan ang pamamahala sa kapitolyo ng magkapatid lalo na sa executive at legislative? Ayon kay PBM Popa, kailangan ng check and balance sa pamamahala at kung hahawakan ng magkapatid, tila hindi umano ito maganda.

Kaya nga lamang, nasa tao ang pagpapasya sa bagay na ito dahil, as of now, wala pang batas na nagbabawal sa ganitong sistema. Ang remedy ng mga katunggali, sikapin nilang manalo sila laban sa magkapatid para hindi mangyari ang kanilang ikinababahala..hikhikhikh!

Ang tanong, ready na ba ang islang kayganda sa sinasabi ni Atty. Abichuela na monopoly of economic and political power? Hikhikhihhihik! Iyan ang titimplahin ngayong Mayo 9..hikhihihihik! Goodbye sa Hawten! Hikhikhikhihik!

KITA KITS MGA KAPERYODIKO!

Advertisement